Chapter 21: Ruined Dinner.

30 10 0
                                    

Chapter 21: Ruined Dinner.

DENICE’s POV

“Ma, let’s cook adobo for dinner.” Sabi ko kay Mommy. Nalaman ko kasing maagang uuwi si Dad from his work kaya kumpleto kami mamayang gabi.

“You do it, I’ll prepare other dishes. Is that ok? Ngayon nalang ulit tayo kakain ng dinner ng kumpleto.” Sabi niya na may ngiti sa mga labi.

“Yes Mom, mas maganda yun at madaming pagkain.” Sang-ayon ko sakanya.

Ako lang actually ang tao rito sa bahay kanina, nagulat nalang ako ng kaninang tanghali ay umuwi  si mommy. Ang sabi niya wala raw siyang magawa sa office kaya umuwi nalang siya.

Tinext niya na rin si Sky kung nasaan ito, ang sabi raw ay nasa school pa at may practice sila ng sayaw.

Mabuti naman at pumunta na ito sa practice. Kinausap na siguro ni Lolo. Masyado niya ng binabalewala ang pagiging miyembro ng club na halos umabot ng tatlong buwan na hindi siya umattend sa mga meetings at practice nila.

How did I know about this? Sources of her so called friends. Sinusumbong ni Sophia at Nique sa akin ang mga ginagawa ng kapatid ko. So far yun lang ang negative doon. Dahil hindi naman niya pinapabayaan ang studies niya.

Pumunta na kami ni Mom sa kusina at hinanda na namin ang mga kakailanganin namin sa pagluluto, tumulong rin ang iba naming  kasambahay at isa na ron sina Manang at Tere.

Ngayon nalang ulit namin nagawa ni Mommy ito.

“Ma’am ang dami naman po ata ng handa ninyo? Sino pong may birthday?” Curious na curious itong si Tere.

“Wala naman, ngayon nalang kasi kami ulit kakain ng buo ang pamilya.” Sagot ni Mommy sa tanong ni Tere.

“Aaah, kaya po pala.” Patango-tango pang sabi ni Tere.

Naging abala na kami ni Mommy sa paluluto.

Nang matapos ko ang pagluto sa adobo, tinulungan ko na si Mommy kasi apat na dishes ang niluluto niya.

“Ah, Tere please check if may pineapple juice powder pa tayo sa ref.” Sumunod naman si Tere sa sinabi ko.

Nakita ko naman na binuksan niya ang ref na lagayan ng mga drinks namin. At ipinakita niya ang pinapacheck ko sakanya.

“Dalawang pitchel ang gawin mo Tere.” Dagdag ko pa, at alam ko namang alam niya ang ibig kong sabihin.

It’s for my baby sister. Ang hilig hilig niya sa pineapple juice eh. Simula pagkabata ay mahilig na talaga yun sa pineapple juice.

“Mommy miss ko na tong beef steak.” Masaya kong sabi kay Mom na ngiting-ngiti habang nagluluto.

“Kumain ka ng maraming ganyan para di mo mamiss.” Natatawa pang sabi ni Mommy sakin.

“Mommy naman eh, baka tumaba ako niyan.” Natatawa ko na ring reklamo sakanya.

Nagpatuloy kame sa pagluluto at inabutan kame ng dalawang oras hanggang sa matapos kami.

Nakakapagod yun no, at amoy ulam na ako.

Kaya nagpaalam na ako kay mommy na aakyat muna para magpalit ng damit.

Pagkatapos kong magpalit ng damit ay agad akong bumaba sa sala and went straight to the dining area to check if the table is ready.

And there I saw my Mom, arranging everything on the table.

Closure (That's What We Need.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon