Chapter 4: Friends Game.

153 16 10
                                    

CHAPTER 4: Friends Game.

SKY'S POV

Pumasok muli ako sa bahay at umakyat sa kwarto.

Mr. Unknown. Who the hell are you? You're messing up my mind!

Tinago ko muna ang envelope sa drawer ko. Bumaba na ako at pumanhik patungo sa dining area. Naramdaman siguro nila ang presensya ko, nilingon nila akong lahat.

"Sino yon?" Tanong ni Laurine.

"Gwapong nilalang." Sagot ko.

"Gwapo?!Saan?" Sabay na tili nina Rianne at Nique.

"Nakaalis na."

"Sayang naman. Bat di mo pinapasok dito? Kaibigan mo ba?" That was Rianne.

"Di ko kilala, bat ko papapasukin? He's a delivery boy by the way."

"Ay!Turn off!" Biglang sigaw ni Nique. Tss. Pano naman kase, masyadong mataas ang standards nila sa mga lalaki.

"Ano pala ang dineliver at ikaw pa ang kailangan niya?" Tanong ni Kathe.

"School papers from Paris." Sagot ko nalang. Ayoko munang ipaalam to sa kanila.

These girls are exaggerated just like my family.

"Aaah, kaya naman pala." Sagot niya naman.

"Sky kakainin mo pa ba yan?" Biglang tanong ni Alexis. Tsk! This girl. Tinuro niya pa ang plato ko ni hindi ko pa nga nakakain to eh. Kahit isang subo lang wala pa, kakabalik ko lang nga dito diba?

"Alexis, hindi ka ba nabubusog?" Tanong sakanya ni Mawie.

"Pake mo, eh sa mahal ko ang carbonara!" Mawie rolled her eyes.

"Alex." Nilingon niya ako.

"Sayo na." At ngumiti na siya. Pero di pa ako tapos. Kukunin na sana niya yung plato ko.

"Sayo natong kusina namin." At nagtawanan ang lima. Si Alexis naman ay sumimangot at bumalik sa pwesto niya kanina.

"Sige pagtawanan niyo lang ako. Mga walang hiya kayo. Masama bang mag mahal ng Carbonara?" madramang sabi niya sa amin.

"Oo, masama." Seryosong tugon ni Nique.

"Bakit naman?"

"Masakit." Sagot niya.

"Masakit saan?" nagtatakang tanong ni Alexis.

"Masakit sa tiyan gaga! Sige yan lang kainin mo araw-araw, hindi ba't sasakit yang tiyan mo?!" Nanlalaki ang mga matang sabi ni Nique kay Alexis.

Tsk. Non-sense. Itutuloy ko nalang ang pagkain ko. Bahala kayong mag-away dyan.

"Ako?Gaga!?Aba tanga ka naman girl. Hindi nakakasakit ng tiyan ang Carbonara." Sigaw pabalik ni Alexis kay Nique.

"Sinong tanga? Ako? Bat ako tanga? Eh si intsik naman ang tanga dito satin eh." Sagot naman ni Nique, nandamay pa. Nananahimik yung tao dinamay pa sa eksena nila. Tsk2x! Tinignan ko si Kathe. Nakakunot na ang noo niya.

"Dinamay mo pa ako Nique, mas tanga si Laurine sakin noh!" Sigaw naman ni Kathe.

"Anong ako? Si Mawie kaya." Sabat naman ni Laurine. Haay, mga mukang ewan.

"Wag nyo kong isali jan, mas tanga si Rianne." Sabi naman ni Mawie.

Sige away lang kayo. Hindi ko na inalam ang mga itsura nila nakafocus ako sa carbonara. I'm looking down to my plate.

Closure (That's What We Need.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon