Chapter 39: AUSTINE's ANNUAL FEST.

19 1 0
                                    

 AUTHOR's NOTE: It's been a while folks. HAHA! Hey it's me the author. Been very busy these past few months for I was having my OJT. Yes of course I'm still a student, and hello thesis for this sem.

Here's Annual Fest for you:* Kung may naghihintay man eto na po.  Enjoy reading.


Chapter 39: AUSTINE's ANNUAL FEST.

NIQUE'S POV

"Charlie, did you bring 5 extra t-shirts? How about pants? Tsk. Wag kang magpapatuyo ng pawis. Uupakan kita, please. Ayokong magkasakit ka--" Hinawakan niya ang mukha ko, kaya napatigil ako sa panenermon sakanya. Nakatitig siya sa mga mata ko. At gusto ko nalang matunaw.

"Hey, makakasama mo pa ako buong araw, mamayang hapon pa ang game ko." Binigyan niya pa ako ng halik sa labi. Isang mabilis na naging dahilan para mabilis ko ring maramdaman ang kilig sa buong sistema ko. I still can't believe that this demigod is my boyfriend. Sariwa pa rin sa aking memorya ang araw na naging kami. Napangiti na lamang ako at tumango-tango sakanya. Pakiramdam ko namumula na ang mga pisngi ko. "Bumaba na tayo, baka ano pang magawa ko sayo." Pilyong sabi niya kaya agad akong lumayo sakanya at nanlalaki ang mga matang tumitig sakanya.

"Ang manyak mo kahit kelan!" Singhal ko sakanya. Natawa naman ito.

"Sayo lang naman ako nagiging ganito Hon." Kinindatan niya pa ako pagkatapos sabihin yon.

"Ewan ko sayo, bumaba na tayo at naghihintay na ang mga kaibigan ko." Sabi ko pa. Hindi ko na hinintay ang sagot niya bumaba na ako sa kotse at tumingin sa paligid.

"Hon." Dinig kong tawag ni Charlie sa akin.

"Mm?" Hindi ko siya nilingon patuloy pa rin ako sa pagtingin sa paligid. Narito na ang kotse ng mga kaibigan ko.

"May itatanong sana ako." Nanatili akong nakatingin pa rin sa paligid.

"Ano yon?" Tanong ko pa.

"Is there a chance na magkabalikan sina Ash at Sky?" Doon ako napalingon sakanya. Nakatingin siya sa kawalan at malalim ang iniisip. Mag bestfriends sila ni Ash. And I know he's concern about him. At kahit ako ay nag-aalala na rin kahit pa naguguluhan ako sa mga nangyayari. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangang gamitin ni Ash si Trixie para lang makipaghiwalay kay Sky. Napabuntong hininga ako bago makasagot.

"That depends." It's almost a whisper. "That depends, if they still love each other. But love is not enough for them to be together again. Ash lied to her. And she's damn frustrated she hasn't got the answers from him. Unti-unti niya ng nalalaman ang katotohanan, and that makes her want to know more." Napalingon siya sa akin.

"I want to help him." Sabi niya, seryosong-seryoso. Ngumiti ako sakanya. Ngiting nagsasabihing naiintidihan ko siya.

"He still loves Sky. Hindi ako pwedeng magkamali. Whatever his reason for breaking up with her, he wants Sky is the first person to know it. Wala siyang sinabi sayo hindi ba?" Tumango siya. Tama nga ang hinala ko. Wala siyang balak na ipaalam sa iba ang katotohanan kundi kay Sky lang. Pero ang ikinataka ko lang bakit pinapatagal niya pa? Naron na ang pagkakataon niyang sabihin lahat kay Sky. Pero hindi niya ginawa.

"He has his own plans. And I don't want to but in. Malayo na siya sa Ash na nakilala ko. Hindi na siya tulad ng dati, yong makwento. Yong kapag may nagbiro sasabay siya sa tawa. He's totally a different person now." Pailing-iling niyang sabi. "Masyado na siyang tahimik, at sobrang seryoso kapag kakausapin mo. Para bang wala na siyang oras para tumawa at maging masaya." Ang lungkot sa boses ni Charlie ay ang dahilan para maramdaman ko ang kirot sa aking puso. Lumapit ako sakanya at niyakap siya ng napakahigpit.

Closure (That's What We Need.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon