Chapter 30: Vincent.
HEAVEN's POV
"Tandaan mo yung sinabi ko sayo, let her accept the fact that it's not her fault. Sa ngayon ay nag-aadjust pa siya. Ang maitutulong nalang natin sakanya is to stay positive around her. Well you know how to deal with it." Pag-papaalala sa akin ni Steven habang naglalakad na kami sa lobby ng hospital.
"Yes Doc. I'll keep that in mind." Nakangiti kong sabi.
Nakapag-lunch na kami at nakapag-usap na rin tungkol sa mga bagay-bagay na nangyari sa mga buhay namin. Naikwento niya sa akin na ang mga suppliers na makakameeting niya mamaya ay kilala bilang isa sa mga safest na gumagawa ng mga apparatus for the hospital. Siya ang kailangang humarap sa kanila dahil may mga papers na isasign. Nasabi rin niya sa akin na dadalo siya sa scholars assembly na magaganap sa Austine University kung saan dadalo rin ako. Kaya naman mapapanood namin ang performance ng anak ko.
"Nga pala Ate pakisabi sa anak mo magkita nalang kami sa scholar's assembly. Alam niya namang di tayo mawawala sa program na iyon." Tumango lang ako patuloy pa ring naglalakad papunta sa parking lot.
"Ipakilala mo na rin sakanya ang asawa at anak mo." Natatawa kong sabi. Seriously, hindi alam ng anak ko na nakapag-asawa na itong kakambal ko. At ang nakakagulat doon ay malaki na ang anak nila bago pa man siya maikasal.
"At pag nagulat siya kung bakit malaki na ang anak ko kahit kaka-kasal ko lang 2 years ago? Tsk! Ano pang isipin non sa akin." Pasinghal niyang sabi. Natawa ako.
"Syempre iisipin niyang napaka-responsible mo, because all your life you've been searching that girl you love and malalaman mo nalang na may anak na pala kayo. And that your wife has some issues kaya tinago niya ang anak niyo sayo. Aba you're an expert. Bakit mo popreblemahin kung paano mo ipapaliwanag kay Sky yang nangyari sayo?" Pailing-iling kong sabi habang inilalabas sa purse ko ang susi ng kotse.
"Magaling lang talagang magtago ang asawa ko ganon yon." Natatawa niyang sabi. "Drive safely Ate." Paalala niya.
"Yes Doc." Nakangisi kong sabi sakanya. "Pano alis na ako? Baka pag hindi ako dumating doon ahead of time, naglalakad na yong anak ko pauwi." Biro ko pa kaya natawa kaming pareho.
"Ewan ko sayo. Sige na." He wave at me and I wave back at him. Pagsakay ko sa kotse nakangiti na itong sinundan ng tingin ang pag-alis ko.
I felt relieved. Magandang ideya ngang talaga ang makipag-usap sa kapatid ko.
Tinext ko si Sky at sinabing pabalik na ako sa Austine, nagulat pa ako ng agad-agad itong nagreply sa akin.
From: Baby Sky
My class will end at 3pm. Masyado ka pong maaga. Do you want me to ditch my class right now?
Napangiti ako, kahit kailan talaga. Sinabihan ko lang naman sana na pabalik na ako.
Tumingin ako sa relo ko, quarter to two. Tsk isang oras pa ang hihintayin ko.
Tumunog muli ang cellphone ko hudyat na may text ako.
From: Baby Sky
Mommy pabili po ng French fries.
Natawa ako ng mabasa ang text niya. Magpapabili lang pala ng French fries. Naalala ko pa nong maliit siya ang hilig-hilig niya sa French fries.
Tumunog ulit ang phone ko.
From: Baby Sky
Yung large po. And if you're not going to reply to every text I'm sending you, call me. I'm really getting bored listening to my professor. Tulog na rin po si Sophie.
BINABASA MO ANG
Closure (That's What We Need.)
Romance"I thought it was the end, but t'was only the beginning. I thought I could just forget, but I found myself remembering. There was no other way for us to be at peace. Closure, that's what we need."