Chapter 14: Brother and Sisters.

55 9 0
                                    

Chapter 14: Brother and Sisters.

SKY’s POV

Ang saya ko, andito na ang Ate ko. Ang pinakamamahal kong Ate. Malaki ang impact ng mga kapatid ko sa akin. Ako ang pinakabunso, si Kuya Cloud ang panganay at si Ate Star ang ikalawa.

Our names? Yeah weird, but that’s how my Mom named us. Ang sabi niya eh may meaning yun kaya ganyan ang mga pangalan namin, at dahil di ako interesado, hindi ko na inalam pa kung ano yon.

“Pero Kuya, dapat tinanong mo muna siya.” Punong-puno ng panghihinayang na sabi ni Ate kay Kuya.

“Ano pang itatanong ko sakanya? Halata namang umiiwas siya sakin.” Asik naman ni Kuya. Nasa kwarto ko sila ngayon. They’ve been talking for some certain girl. And it’s a joy to see na sa amin nag-oopen up itong si Kuya.

“Tanga!Yun na ang sign that she likes you too!” Bulyaw ni Ate sakanya. Napailing nalang ako saaking narinig. Malaki ang kama ko kaya kasyang-kasya ang limang tao dito. Naka-indian sit silang dalawa doon, habang ako naman ay nakaupo sa harap ng study table habang nagreresearch ng assignments ko.

Napansin ko namang biglang tumahimik ang dalawa kaya nilingon ko sila. Nakatingin silang pareho sa akin.

“What?” Takang tanong ko.

“Nakakatampo ka alam mo ba yun?” Nakataas pa ang kilay na sabi ni Ate.

“Bakit naman? Inano ba kita?” tanong ko sakanya. At mas tinaasan pa niya ako ng kilay. Grabe kamukha niya talaga si Mommy.

“Aba’t! Kita mo to Kuya! Pagkatapos akong sabihan ng ‘I miss you Ate’. Binabalewala na ako.” Pagsusumbong niya kay Kuya.

“Sinong me sabi sayong binabalewala kita?” Walang ganang tanong ko sakanya.

“Sky Venice Dela Vega! Hindi ako umuwi rito para ganituhin mo.” Asik niya sa akin Ok, buong pangalan ko na yun. Hindi na mananahimik na ako. Mas takot ako diyan kesa kay Kuya.

“Sabi ko nga, tatapusin ko lang tong nireresearch ko.” Tsaka binalik ang atensiyon ko sa laptop, at tinignan yung site na kukuhanan ko ng answers. Nagsimula na akong magsulat.

“Bilisan mo naman!” Sigaw ng kapatid ko sakin.

“Patience is a Virtue.” Sabi ko nalang. At nagpatuloy sa pagsusulat.

“Hello?” narinig kong sabi ni kuya kaya napalingon ako sakanila, at hawak-hawak niya na ang cellphone niya habang nakikipag-usap sa kung sino mang tumawag sakanya.

“Mr. Sales. Yes Sir, natanggap ko po yung e-mail niyo.” Oh the business tone. Tsk!tsk! Kumunot ang noo ni Ate at umalis sa pagkakaupo sa kama ko at umupo sa bakanteng upuan sa study table.

Pinagpatuloy ko na ang pagsusulat. Habang tahimik lang si Ate.

“Yes sir, by next week ipapadala ko na ang mga designs sa bahay niyo….No sir. My colleague will bring it to you.” Huminto si Kuya sa pagsasalita at sa tingin ko pinakikinggan niya ang nasa kabilang linya.

Closure (That's What We Need.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon