Authors Note: Yes it's been 3 months and then what? Ngayon lang ako nakapag-update. HOPE you like it. Nga pala may babaguhin ako from Chapters 1 to 6. You can reread it again. Thank you:*
Ito lang ang nakayanan ko. Enjoy Reading:)))
Chapter 33: Goodbye for now.
MAWIE's POV
"Ms. Mawie, ieedit pa ba natin to?" tanong sa akin ng isa sa mga kasamahan ko sa Austine University Press or A.U. Press habang pinapakita sa akin ang isang larawan. Tinignan ko ito ng mataman at namukhaan ang taong nasa picture.
"Hindi na kailangan. Insert that on the Headline page. Ako na ang bahala sa article na kailangan dyan. I'll be the one to interview him." Sabi ko ng hindi man lang inaalis ang paningin ko sa picture. It's Jake in a hospital bed.
"Ano pong title nito?" Tanong niya naman.
"The breakable." Wala sa sarili kong sabi.
"Po?" Nagtatakang tanong niya.
"N-nothing. Ako nalang ang magtatype niyan pagkatapos ko siyang mainterview." Sabi ko nalang. Hindi ko alam kung kaya ko na bang harapin ang taong yon.
"Sayang naman at magtatransfer siya Ms. Mawie ano? Paano pa siya manliligaw sayo?" napabuga ako ng hangin. Alam na ng lahat na magtatransfer si Jake, mababawasan na naman raw ang mga gwapo sa engineering department.
Tama nga ang sinabi nina Sky. Si Jake ang kusang aalis dito sa Austine. Nagtagal ang pananatili niya sa hospital dahil sa natamo niyang bugbog. Ngunit kung nanlaban siya ay hindi ganon ang aabutin niya. Napakatanga niya naman para tanggapin lahat iyon.
"Knock, knock!" Napatingin ako sa pintuan ng quarter namin. Nakita kong nakadungaw si Nique at nakangiting nakatingin sa akin.
"Hey, sandali lang. I'll just go get my things." Pumunta ako sa cubicle ko. May kanya-kanya kasi kaming cubicle dito sa A.U. press. Ganon kame kaimportante dito sa school.
"Lisa I'll be back later this afternoon, kumain na rin kayo pag natapos mo na ang pag-eedit." Sabi ko kaya tumango naman sila.
"Yes Ms. Mawie." Sabay-sabay nilang sabi. Kaya tinanguan ko silang lahat at lumabas na ng quarter.
"Here she comes." Dinig kong sabi ni Alexis. Lima lamang sila na nandito. Si Sky at Sophie, si Nique at Kathe.
Hindi na ako magtataka kung bakit wala ang dalawa.
"Tara na?" Tanong ko. Tumango naman sila at tsaka nagsimulang maglakad.
"Hindi na nga pwedeng palitan iyon." Nauubusan ng pasensyang dinig kong sabi ni Sophia kay Sky.
"Sa lahat ba naman ng kakantahin ko. Bat yon pa yung may kasamang sayaw?" Hindi man halata sa boses niya ang pagkairita pero si Sky yan eh, kukunot lamang ang mga noo niyan.
"Andami mong arte!" Bulyaw ni Sophia kay Sky.
"Ano ba kasi yang pinag-aawayan niyo?" Singhal ni Alexis kaya napahinto silang pareho sabay sabing
"Eto kasi."
"Ano nga?" Tanong ko.
"Memoryado ko na ang lyrics ng mga kantang kakantahin ko. Pero hindi ko naman alam na pasasayawin pa ako habang kumakanta." Kunot na kunot ang noo ni Sky ng sabihin niya yon. Nagkatinginan kami nina Nique, Sophia, Kathe at Alexis at.....
"HAHAHAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Naghagalpakan kami sa tawa. Alam naman na naming ganon ang ipapagawa ni Trixie sakanya. Ang totoo niyan hindi kami natatawa dahil sa sasabayan niya ang pagkanta at sayaw. She's actually a total performer. Ang dahilan ng tawanan namin ay ang kanta mismo na gagamitin. Nung mga araw na hindi siya umaattend sa mga meetings at practice napagplanuhan na kung anong ipapagawa sakanya. At para hindi siya makatanggi sinabi namin agad iyon kay Mr. Austine.
BINABASA MO ANG
Closure (That's What We Need.)
Romance"I thought it was the end, but t'was only the beginning. I thought I could just forget, but I found myself remembering. There was no other way for us to be at peace. Closure, that's what we need."