Chapter 20: Sky's Handkerchief.

39 11 0
                                    

Chapter 20: Sky’s Handkerchief

SKY’s POV

Pumasok ako agad sa stadium ng marinig ang ilang mga boses sa loob.

Baka nagsisimula na sila.

Maingat kong binuksan ang pinto, ngunit parang isa akong silencer.

Ang ingay na narinig ko kaninang pagpasok ko ay biglang nawala ng isara ko ang pinto.

Pagharap ko sa direksyon ng stage lahat sila ay nakatingin sakin.

Nanatili akong blankong nakatingin naman sakanila.

Mas nangibabaw ang pagkabalisa ko, dahil sa nangyari sa locker room.

Dahil kahit pilitin ko mang wag ng isipin ang bagay na yun,  pakiramdam  ko hinahabol ako ng napakalamig na boses ng lalaki na yon.

“Sa ngayon ay wala pa akong sasabihin. Sisiguraduhin kong sa susunod na pagkikita natin Sky. Marami na akong sasabihin sayo. The things that you deserve to know.”

“Sky!” Napukaw ang atensiyon ko sa taong tumawag sa pangalan ko. Si Sophia.

Tinanguan ko siya, at daglian niya naman akong nilapitan.

“Trix! Magpapalit lang kami ng damit.” Paalam niya kay Trixie na nakangiti namang tumango saming dalawa.

“Tara na bhest.”  Ikinawit niya pa sa braso ko ang braso niya at sabay kameng naglakad papuntang cr ng stadium.

Nakarating kami sa cr ng tahimik. Agad na akong pumasok sa isang cubicle, at nagbihis na.

Nauna naman akong lumabas kaya lumapit muna ako sa sink at naghilamos, saktong pag-angat ko ng ulo upang tumingin sa salamin ng sink ay siya namang paglabas ni Sophia sa cubicle na ginamit niya.

Nagtama ang paningin namin.

Hindi ko alam kung may dapat ba akong sabihin, o siya ang may kailangang sabihin sakin.

“Bat ka namumutla?” Takang tanong niya sakin.  Kita ko naman sa salamin ang pagkunot ng noo ko.

“Hindi naman.” At tiningnan ko pa ang mukha ko sa salamin.

“Kanina pagpasok mo, ay halatang namumutla ka, wala ka namang third eye para makakita ng multo. So nagugutom ka ba?” Tanong niya na naman habang lumalapit na rin sa sink at naghugas ng kamay.

“Hindi naman ako nagugutom.” Sagot ko sakanya at pinunasan na ang basa kong mukha gamit ang towel na dala ko.

“Sige tara na, at baka nagsisimula na sila doon.” Aya niya sakin kaya umalis na kami ng cr, at pumunta sa harap mismo ng stage ng stadium.

                                                                                           

“Andito na sila. We can start the meeting now.” Anunsiyo ni Trixie pagkakita niya samin ni Sophia.

Marami kaming estudyante ang narito, ang iba ay puros bagong  myembro ng Club. At ang iba ay myembro naman ng student council na pinapangunahan ni Rham Ivan.

“Ok guys, palapit na ng palapit ang magaganap na programa dito sa Austine, by the 3rd week of August, darating na ang iba’t-ibang visiting schools dito.” Sabi ni Trixie.

Closure (That's What We Need.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon