Chapter 13: Star Denice.

54 10 1
                                    

Chapter 13: Star Denice.

 

SKY’s POV

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Habang kanina pang naglelecture ang Professor namin.

Major subject so obviously it’s talking about the brain and the likes.

“So who can tell me what is the function of the Cerebrum.” Dinig kong tanong ng prof. namin.

“Yes Ms. Alonzo.” Tawag ni prof. kay Sophia, kaya napalingon naman ako rito.

“The Cerebrum is considered as the largest part of the brain. It is divided into the right and left hemispheres.  The left hemisphere controls the right side of the body and the right hemisphere controls the left side.” Sagot ni Sophia.

“Very good Ms. Alonzo you may take your sit. That is why people are referred to as left brain dominant or right brain dominant too.”  Sabi ni prof. na di mawala ang ngiti sa labi. Kanina pa recite ng recite si Sophia at ang iba ko pang classmates. Ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa lecture. Paminsan ay sa bintana lang ako nakatingin pero pag may tinawag na isa sa mga classmate namin upang sumagot sa mga tanong ni Prof. ay lumilingon ako sa kanila.

Magaling si Prof. isang tunay na Psychology teacher. Nakukuha niya talaga ang atensyon ng lahat, kaya naeenganyo silang magparticipate. I don’t know, I just don’t feel to join them.

Paminsan-minsan ay nagbibiro si Prof. kaya hindi nga nakakaantok ang lecture para sa klase na 2:30-4:00pm.

“And believe it or not class Multiple Intelligence are associated with each hemisphere. So in what field do a left-dominant and a right-dominant-people excels?” Nakangiting tanong niya. Why does she keep on smiling when I look her way. Kanina pa yan simula nung pumasok siya. Palakad-lakad pa sa harap namin.

“I’ve got an idea class.” Sabi niya kaya parang mga batang naghihintay ang mga kaklase ko kasama na si Sophia. And then Prof. Susan look at my direction and smiling fondly at me.

Hindi na ba titigil ang mga tao sa kakangiti sa akin?

“Sa loob ng isang oras ay narinig ko na halos lahat ng boses ninyo.” Sabi niya, na di tinatangal ang titig niya sa akin.

“Kaya gusto kong marinig ang boses ng katabi ni Ms. Alonzo. What is your name again dear?” Hindi ako sumagot at nakipagtitigan lang ako sakanya. Ano bang kailangan niya sa akin?

“It’s impolite if--”

“Sky. Sky Venice.” Sagot ko ng di man lang tumatayo. Mas lalong lumawak ang ngiti niya. Konting-konti na lang at iisipin kong buntis siya. Or so I thought right buntis nga ata talaga siya.

“Your surname dear?” Tanong niya at naglakad papunta sa harapan ko hindi man lang nawala ang ngiti niya.

“Dela Vega.” Sagot ko sakanya pero parang wala lang sakanya ang narinig niya. “Sky Venice Dela Vega.” Sinabi ko iyon sa napakalamig na paraang alam ko. Nakita ko naman kung paanong kumunot ang noo niya umayos ulit, at ngumiti na naman sa akin.

“Ok, so class would you like to hear Ms. Dela Vega answer my previous question?” Tanong niya sa mga kaklase ko.

“Yes Ma’am! Wala kasi kaming alam na sagot doon.” Sigaw ng isang babaeng kaklase ko na hindi ko man lang matandaan ang pangalan kahit na pang-apat na araw ko na sa school.

Closure (That's What We Need.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon