Chapter 15: Flashback #2
SKY’s POV
“Do you really have to go with me inside?” tanong ko kay ate na ngayon ay nagsusuot na ng hoody.
“I told you baby Venice, may sadya ako dito kaya ako sumama sayo. Besides I want to see your friends.” Sabi niya pa habang isinusuot ang shades niya.
“And at least makakasabay mo ko pauwi, so ayos lang.” Sabi niya pa na tinanggal ulit yung shades.
“Hindi mo na gagamitin yan?” patungkol ko sa shades niya.
“Yep, hindi na. Tsaka para naman malaman nila na may resemblance tayo sa isa’t-isa at mapagkamalan nila tayong magkapatid.” At kinindatan niya ako pagkatapos niyang sabihin yon. Napailing na lamang ako. Hindi pa kasi kami bumababa sa kotse ko.
“Huy! Tara na, bumaba na tayo. Alam kong hinihintay ka na nila.” Pagkasabi niya non ay nauna na siyang bumaba, at sumunod naman ako.
Inakbayan niya ako’t naglakad na kami sa pathway na halos lahat ng mga tao ay nagsisipaglingunan samin. Dahil siguro sa katabi ko. dahil kahit saan pumunta to ay napapalingon sakanya ang mga tao.
“Don’t you ever think na dahil sa akin kaya tayo nililingon ng mga estudyante dito.” Bulong niya sa akin.
“Too late, I’m thinking about it already.” Sabi ko sakanya.
“Masanay ka na sa mga ganyang tingin.”
“Hindi ganyang mga tingin ang natatanggap ko noon Ate.”
“Noon yon, iba na ngayon.” Kaya napalingon ako sa kanya.
“Hindi pa nila alam na andito ako. At pag nalaman na nila, mag-iiba na naman ang ihip ng hangin.”
“Because you’re so negative. Hinahayaan mo lang rin silang pag-isipan ka ng ga---”
“It’s in the past anyway. I don’t want to talk about it.” Pagputol ko sa sasabihin niya. Napahigpit naman ang kapit niya sa akin, pahiwatig na naiintindihan niya kung bakit ayoko ng pag-usapan ang tungkol doon.
“I’ll go ahead.” Paalam niya sa akin dahil sa psychology faculty room ang punta niya at ako naman ay papuntang canteen dahil naghihintay ang mga kaibigan ko doon.
“Ok, call me if you need me.” Sabi ko sakanya na dahilan upang umiling siya na parang di makapaniwala sa sinabi ko.
“I guess that’s my line.” Sabi niya, kaya hinalikan ko na lamang siya sa pisngi.
“Now it’s mine.” At tsaka ako umalis sa harapan niya pero bago pa man ako makalayo ay tinawag niya pa ang pangalan ko kaya humarap ako sakanya. Nakangiti na siya sa akin. Napansin ko naman na ang iba ay napalingon sa amin.
“I love you.” Sigaw niya na halos dinig ng lahat ng taong dumadaan dito sa kinaroroonan namin.
“I love you too.” Sagot ko ngunit hindi nakasigaw, dahil alam kong maririnig pa rin naman ng ate ko yun, siya lang tong OA kung makasigaw. Pagkatapos non ay nagwave na siya sa akin kaya tumalikod na ako’t pinagpatuloy ang aking pag-lalakad.
BINABASA MO ANG
Closure (That's What We Need.)
Romance"I thought it was the end, but t'was only the beginning. I thought I could just forget, but I found myself remembering. There was no other way for us to be at peace. Closure, that's what we need."