Magbunyi 2K reads na ang story ko. HIHI! Labyu:*
Alam ko may nagalit dahil sa pagdating ni Adrian. Pero marami namang magugulat sa mga susunod na eksena. Enjoy reading. :* Hi nga pala sa kaibigan kong Author din. Kaway-kaway sayo :P
Chapter 38: The Mask.
SOPHIA's POV
Nanatiling nakatingin si Sky sa daanang tinahak ni Ash paalis. Napabuga ako ng hangin, ngayon ko lang nagawa yon pagkatapos kong masaksihan ang makapigil hiningang sagutan ni Ash at Sky. Naron kami, at naabutan ang huling sagutan nilang dalawa. Kanina lang ay nag-usap kami ni Sky, patungkol kay Ash. Hindi ko akalaing mangyayari to. Ang magkasagutan sila. Gusto kong magtanong kay Sky. Bakit ka umiiyak? Bakit ganon nalang ang galit mo? Pero alam ko na rin naman ang sagot. Hindi na dapat ako magtanong pa.
"He's gone." Narinig ko iyong bulong ng lalaki. Kita ko ring napalingon si Sky sakanya, basa pa rin ang mga mata dahil sa mga luha. Hindi ko siya masisisi kung nasasaktan siya ngayon. Gulong-gulo na ang isip niya. Lumapit ang lalaki sakanya at niyakap siya nito. Ano nga ulit ang pangalan niyan? Leche. Bakit pag gwapo nakakalimutan ko yong pangalan pag pangit tandang-tanda ko talaga. Pero ibang usapan naman kung si Dylan.
"Hush now Sky Venice." Malumanay nitong sabi kay Sky. Hinahaplos pa nito ang ulo ni Sky at binigyan ito ng halik sa noo. Shet! Totoo? Boyfriend niya to? Grabe no doubt, kung di ko lang kilala si Dylan sasabihin kong mas gwapo ito. Halata kasing may lahi, at kung hindi ako nagkakamali isa siyang French. But how come we don't know she have a boyfriend? Teka nga! Diba nasasaktan pa siya? Hindi pa siya pwedeng magkaboypren!
Hinawakan niya gamit ang dalawang kamay ang mukha ni Sky. Hindi na umiiyak ang bestfriend ko pero naron na naman ang blangko niyang mukha. Ano ngayon ang iniisip mo?
"I'm not gonna let him touch you again." Napakaseryosong sabi ng lalaki. Ewan ko ba kung bakit nainis ako bigla doon sa sinabi niya. Umeksena ka pa kasi. Nagmomoment sila kanina eh.
Ang ikinataka ko ay ang pagkunot ng noo ni Sky habang nakatingin pa rin sa lalaki.
"Excuse me." Napalingon kaming lahat sa gawi ni Mawie. At parang hindi lang ako ang nababadtrip sa lalaking ito. "I think we deserve to know who you are." Napangiti naman ang lalaki at tumango-tango. Ang gwapo nga. At nagmumukha talaga siyang mabait pag nakangiti. Well looks can be deceiving. Pero pano nga naman nakilala ni Sky ang lalaking to? Knowing her? Si Ash nga nahirapang makipagclose diyan eto pa kaya? I wonder how they became friends.
"My name is Adrian. I'm Sky's Boy--"
"He's just a close friend. From Paris." Noon ko lamang narinig ang boses ni Sky hindi na ito nanginginig tulad kanina, ngunit ngayon ay napakalamig na ng paraan ng pananalita niya.
"Hey, I'm not just a FRIEND, I'm your boyfriend." Sabi ni Adrian na binigay diin pa ang salitang FRIEND, na obvious namang ayaw pakinggan ni Sky.
"Adrian please." Nakikiusap na sabi ni Sky sakanya. Para bang hinang-hina na siya pagkatapos ng naging sagutan nila ni Ash kanina. Kaya naman itinaas ni Adrian ang mga kamay niya at para bang sumusuko na sa pangungulit.
"Oui mon amour." Sumama ang tingin ni Sky dahil sakanyang sinabi.
"Stupid." Narinig ko ang bulong na iyon ni Sky dahilan para nakakunot na ang mga noong napatingin sakanya si Adrian. I find it cute though. To see them. Pero naalala ko lang ang dati. Si Ash nakangiti habang si Sky ay walang emosyon pero alam mong masaya siya. Sayang at nagkahiwalay sila.
BINABASA MO ANG
Closure (That's What We Need.)
Romance"I thought it was the end, but t'was only the beginning. I thought I could just forget, but I found myself remembering. There was no other way for us to be at peace. Closure, that's what we need."