CHAPTER 19: Locker Room.

42 10 0
                                    

CHAPTER 19: Locker Room.

SOPHIA’s POV

Nasa canteen kame habang hinihintay si Nique at Charlie.

It’s our third month in school.

Ganon kabilis ang panahon.

Pagkatapos makapag-audition ni Sky ay nakapasa siya, at bahagi ng muli ng Performer’s Club. Natuwa ako doon kahit na di siya masyadong active dahil pag may mga meeting para sa mga susunod na activities kasama ang student council ay lagi siyang wala. Umuuwi agad pagkatapos ng klase namin.

Pakiramdam ko dahil yun sa nakakasama namin si Camille sa mga meetings na yun. Pero kilala ko si Sky hindi siya marunong mag-paapekto sa mga tao, lalong-lalo na sa bitch na yun. Naging maayos naman ang mga araw namin sa school.

Wala ng nanggugulo kay Sky kahit pa alam na ng iba na nakabalik na siya.

At ang nakakatawa pa ay ang President ng Student Council, dahil sa biglang pagsulpot nito sa harapan namin at bigla nalang humingi ng tawad kay Sky noong nasa parking lot na kami nung araw ng audition. Halos hindi maipinta ang mukha ni Rianne nung mga oras na iyon dahil hindi niya alam kung bakit humihingi ng tawad si Rham Ivan kay Sky. Mabuti nalang nung umalis na si Rham ay agad na nagpaliwanag si Sky, kaya si Rianne naman ay ngiting-ngiti dahil sa nalaman.

Naging matunog muli ang pangalan ni Sky sa kadahilanang nag-eexcel  siya sa mga subjects namin. Hindi naman na kataka-taka yun. Namamangha naman ang mga professors dahil sa mga performance na pinapakita niya.

Pero ganun pa rin ang mukha niya, walang kaekspre-ekspresiyon. Malamig pa rin ang pakikitungo sa mga tao. Na mararamdaman mo yung lamig na yun sa twing dadaan siya sa harapan mo.

Hindi dahil sa mahangin siya, yun ay dahil sa tinatago niya ang nararamdaman niya sa pagiging emotionless. At higit sa lahat ay maririnig mo lang siyang magsalita kapag may tinanong ka, naiirita, mang-iinsulto, at kung may itatanong lang siya. Kaya paminsan napag-paplanuhan namin nina Nique na pagutumin si Sky para dumaldal. Yun nga lang ng mangyari yun ay nalaman agad ni Tita Heaven kaya hindi na namin mauulit pa ang kalokohang yun.

“Hindi ka ba magkakaron ng stiff neck niyan Sophie?” Tanong ni Sky sa akin kaya napalingon ako sakanya.

Blanko lamang ang mukha niya, hindi ko matukoy kung seryoso ba siya o nagbibiro lang ba.

 “Huh?” Takang tanong ko.

“Kanina ka pa lingon ng lingon sa entrance ng canteen. Darating naman yung dalawang yun, wala naman ng ibang entrance dito, kaya tumigil kana sa kakalingon mo.” Aniya sabay sip sa chocolate shake.

“Eh, kasi naman kanina pa nila sinabing papunta na sila, tapos hanggang ngayon ay di pa rin dumarating. Aba nagsasayang tayo ng oras dito habang hinihintay sila. Sapakin ko sila pareho para matauhan man lang!” Inis ng saad ko.

Napangiwi siya sakin.

“Sige nga, sapakin mo nga.” Napaangat ako ng ulo ng mapagtanto kung sino ang nagsabi non.

“Aba’t! Leche kayo pareho! Ano bang ginagawa niyo sa pathway? Naghaharutan pa ba kayo habang naglalakad?” Asik ko sa kanilang dalawa.

Charlie and Nique.

“Sorry na, may nakausap lang kami while we’re on our way here.” Paliwanag ni Nique.

Napansin ko namang umiling si Sky.

“Kayo na ba?” Biglang tanong ni Sky sakanila kaya gulat silang napalingon dito.

Closure (That's What We Need.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon