Chapter 42: Flashback #5 (The Prom)

24 1 0
                                    

Warning mahaba po ito. Sana kiligin kayo.

Enjoy reading. :*

Chapter 42: Flashback #5 (The Prom)

ASH's POV

Masaya kong ipinark ang kotse sa tapat ng bahay ng makarating ako. Ang saya ko pa rin dahil nga ako pa rin ang paboritong manlalaro ng babaeng pinakamamahal ko. Pero nangunot na agad ang mga noo ko ng makita ang isang pamilyar na kotse. What the hell is he doing here?

Mabilis akong bumaba sa kotse at hinanap ang nagmamay-ari ng kotseng iyon sa labas. How dare he step into our house? Ang kapal rin naman talaga ng mukha ng taong to.

"No Tito, hihintayin ko nalang si Ash." Dinig kong sabi niya sa aking ama na gulat ng nakatingin sa akin. Alam niyang magagalit ako kapag pinatuloy nila ang taong ito sa pamamahay namin. Alam niya na galit ako sa taong yan, at ilang beses ko na silang sinabihan ni Mommy na wag itong papasukin sa bahay. Pero heto siya at nakaupo pa sa sofa na nakaharap kay Dad.

"Ano ang kailangan mo sa akin?" Seryoso kong tanong kaya napabaling siya sa gawi ko. Walang gana niya akong pinasadahan ng tingin, mula ulo hanggang paa. Ang lakas rin naman talaga ng loob mong pumunta dito gago ka.

"Sa labas tayo mag-usap." Walang emosyon niyang sambit at nagpatiuna ng maglakad palabas. Hindi ko maiwasang mainis at biglang gapangin ng galit ang sistema. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko at pinigilan ang sarili kong kamao na dumapo na lang bigla sa mukha ng lalaking iyon. Lumingon muna ako kay Dad na may nag-aalalang tingin sa akin. He knows what's going to happen.

Naglakad na ako palabas at naabutan siyang nakaupo sa hood ng kotse niya habang nakatingin sa kawalan. Nanatili akong blangkong nakatingin sa kanya. Lumapit ako sa pinakamalapit na upuan at umupo paharap sakanya.

"Uulitin ko. Ano ang kailangan mo sa akin?" Malamig kong tanong dahilan upang mapatingin siya sa akin. Binigyan niya ako ng isang sarkastikong ngiti at umiling.

"Alam mo kung ano ang kailangan ko." Sabi niya tsaka tumingin muli sa akin ng napakaseryoso. Ramdam ko ang pagkuyom ng aking mga kamay matapos niyang sabihin iyon.

"At sa tingin mo ba sa pagpunta mo dito ay ibibigay ko na ang kailangan mo?" Malamig ko na namang turan. Kumunot ang noo niya at kita ko na ang namuong galit sa kanyang mga mata.

"Itigil mo na ang kakalapit sakanya Ash. Itigil mo na ang panggugulo sakanya." Nakakuyom ang mga kamay na sambit niya. Di ko napigilan ang sarili kong sarkastikong matawa sa kanyang sinabi.

"Bakit ko naman ititigil ang bagay na sinimulan ko na? Para ano? Magawa mo rin ang mga plano mo?" Pinigilan ko mang wag magtunog sarkastiko ang pananalita ko pero natural itong lumabas sa bibig ko. Napatayo siya sa kanyang inuupuan at galit na tumingin sa akin.

"Fuck you!" Galit niyang turan at dinuro pa ako, nanatili akong kalmadong nakatingin sakanya.

"May mga bagay dito sa mundo na kahit anong pilit mong angkinin di pa rin mapapasayo. Nasimulan ko na ang mga hakbang ko at wala akong intensyong tumigil dahil binigyan niya ako ng rason para hindi tumigil. Binigyan niya ako ng rason para magpatuloy." Kalmado kong sabi na mas nagpagalit sa kanya.

"At ano ang ipinagmamayabang mo? Dahil sa pinanood niya lang ang laro mo at paborito ka pa rin niyang manlalaro iisipin mo ng mahal ka pa rin niya?! That's bullshit!" Nagbabaga ang mga mata niya sa galit ng sabihin niya iyon. Gusto ko ulit matawa. Nakakaawa ka. Sa tingin mo ba talaga mapapasayo ang dati pa mang sa akin na?

"Bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Dude, baka nakakalimutan mo, isa ka sa dahilan kung bat kami humantong sa ganito. Stop acting like you're innocent, because you're not. " Walang emosyon kong sambit. Ang gagong to ang dahilan, at siya pa ngayon ang may ganang magsabi sa aking lubayan ko ang babaeng iyon? Ang babaeng pinakamamahal ko? Kaya ko bang layuan siya? That's bullshit! Halos ikamatay ko na ang pakikipaghiwalay sa kanya hindi ko na kayang lumayo ulit lalo na't nakabalik na siya. I swear I could kill him kapag pinagbantaan niya na naman ako. Kita kong natigilan siya dahil sa sinabi ko. Nawala ang galit sa kanyang mga mata.

Closure (That's What We Need.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon