Chapter 23: What’s Happening?
SKY’s POV
Martes ngayon at maaga akong nagising kahit tanghali pa magsisimula ang klase ko.
Pakiramdam ko kasi lumiliit ang bahay na ito at kailangan kong umalis para makahinga ako ng maayos.
Hindi ko na kailangan pang magtaka dahil alam kong dahil ito sa nangyari kagabi sa hapag-kainan.
Kailangan kong ikondisyon ang sarili ko.
Hindi ko gusto ang presensya ng aking ama ngayon kaya’t kinakailangan ko ng umalis.
And I know where I should go now.
Kinuha ko lang ang mga dapat kong dalhin, nakaligo na rin naman ako at nakapagbihis na.
Pagkababa na pagkababa ko, dumeretso agad ako sa garahe at hindi nga ako nagkakamali gising na nga siya.
“Mang Ernesto.” Tawag ko sakanya. Agad naman itong bumaling sa akin at tinignan ako ng buong pagtataka.
“Sky, hija, masyado pang maaga ah. May kailangan ka ba?”
“Yes Mang Ernesto. I want to go somewhere, but I don’t feel like driving.” Tinignan niya muna ako ng mataman bago tumango.
“Saan mo ba gustong pumunta?Nag-almusal ka na bang bata ka?” Sunod-sunod na tanong niya sakin.
“Doon na po ako mag-aalmusal sa pupuntahan ko. Kayo po ba nag-almusal na?” Balik tanong ko sa kanya.
“Uminom na ako ng kape kanina. Babalik nalang ako dito para sa almusal.” Nakangiti niyang sabi sa akin.
Tiningnan ko naman ang relo ko. It’s 6:00am already.
“Yung kotse ko po ang gagamitin natin.” Pagkasabi ko non ay ibinigay ko na agad sakanya ang susi.
Tsaka ko siya Iniwan at pumunta sa front door ng bahay dahil andun ang gamit ko.
“Where the hell are you going baby sister?” I almost felt I jumped to that voice.
“To a place where I can ease my anger, Ate.” Seryoso kong sabi, and I heard her sigh.
“Sky, hija Halika na.” Tawag sa akin ni Mang Ernesto.
Pumasok ako sa kotse at umupo sa back seat. Pero nagulat ako ng bigla ay bumukas ang kabilang pinto at pumasok ang napakaganda kong kapatid.
“Mang Ernesto, magpapahatid po ako sa work ko.” Sinabi niya yun habang nakangiti pang nakatingin sa likuran ni Mang Ernesto, at tsaka ako nilingon at kinindatan.
Hindi ko siya pinansin at ibinaling ang atensiyon ko sa labas ng bintana na nasa kanan ko.
“Saan ka pupunta?” Sa wakas ay naisatinig ng Ate ko.
“Manong, ibaba niyo lang po ako sa unit ni Sophia. Tapos ihatid niyo na si Ate. Pakipark nalang tong kotse ko sa parking space ko sa school pagbalik niyo. Si ate na po ang bahala sa pamasahe niyo pauwi ng mansion.” Sinabi ko yun ng hindi inaalis ang tingin sa bintana.
BINABASA MO ANG
Closure (That's What We Need.)
Romance"I thought it was the end, but t'was only the beginning. I thought I could just forget, but I found myself remembering. There was no other way for us to be at peace. Closure, that's what we need."