Chapter 32: The Evangelista's.
ASH's POV
"Papalapit na ang September at mas magiging busy ang mga estudyante ng University na ito dahil sa Austine's Annual Fest. By the end of August ay magsisimula nang magbigay ng major exams ang mga profs. Gaya lang rin ng last year schedule of exams. Gusto kasi ni Mr. President na mauna muna ang scholars assembly bago ang exams." Simula noon ay ganyan na talaga ang schedule na binibigay ni Mr.Austine.
"Mr. Lopez." Tawag niya sa akin. Hindi ako sumagot pero tiningnan ko lang siya.
"Magiging abala kayo sa pag-eensayo hindi ba?"
"Yes prof." Tipid kong sagot. Tumango-tango pa siya.
"Kung ganon ay manghiram ka nalang ng notes sa mga kaklase mo, wag kayong mag-alala lahat ng nasa notes ninyo ay iyon lang rin ang lalabas sa exam." Pagpapaliwanag niya, nag-sitanguhan naman ang mga kaklase ko.
"Pahihiramin kita ng notes ko bro, wag kang mag-alala hindi pangit writing ko." Prisinta ni Tristan. Isa sa mga kaibigan ko na kapareho ko ng kurso. Kasamahan ko rin sa banda noon.
"Siguraduhin mong kumpleto yan, ikaw sisisihin ko pag bumagsak ako sa exam." Walang gana kong sabi ng hindi siya nililingon.
"Aba ang kapal rin ng mukha mo bro, ikaw na nga tong pahihira--" Nilingon ko siya kaya napahinto siya sa pagsasalita.
"Sabi ko nga kompleto yung lecture ko." Pambawi niya.
"Good Morning Ma'am." Napalingon ako sa pinto ng room. What is she doing here?
"Good Morning, how may I help you Ms. Garcia?" Nakangiting tanong ni Prof.
"Pinapapunta po ni Mr. Austine si Mr. Lopez sa office niya." Dahil doon lumingon agad sa akin si Prof. at tinanguan ako. Lumingon ako kay Tristan tulad ko ay nagtataka rin siya kung bat ako pinapatawag ng President. Wala naman akong magawa kundi tumayo at nagpaalam kay Prof. at sinalubong si Camille.
"Bakit niya ako pinapapunta sa office niya?" Tanong ko agad ng magsimula kaming maglakad.
"I don't know, but you'll find out as soon as you get there." Nakatingin sa daan na sabi niya.
"Andami ko ng namiss sa klase ko, ngayon ay ieexcuse pa ako. Perfect timing talaga." Punong-puno ng sarkasmong sabi ko.
"Kay Mr. President mo yan sabihin Ash, wag sa akin." Tatawa-tawang sabi niya. "Nga pala. Tama ba yong nabalitaan ko? Nagkabalikan na raw si Dylan at Sophia?" Kita ko sa gilid ng mata kong nakangiti siya habang tinatanong iyon. Masaya siya para kay Dylan. Kahit ako rin naman ay masaya para sakanya.
"Mmm, tama, nagkabalikan nga sila." Sa kabila ng tuwa ko para sa kanila, di ko maiwasang malungkot.
"Darating din kayo ni Sky sa ganyan." Di siya nawawalan ng pag-asa. Kahit ako, ayokong sumuko dahil nagsisimula palang ako. Sa ginawa niya noong nakaraang biyernes hindi ko maiwasang isiping mahalaga pa rin ako sakanya. Dahil kung talagang wala na siyang nararamdaman para sa akin ay hindi niya iyon gagawin.
"Sana nga Camille, sana nga." Napatingala ako sa langit. Sana nga Sky maging maayos na ang lahat.
"Hindi ako naniniwalang di kayo mag-kakaayos. Alam kong maiintindihan niya ang naging desisyon mo." Sabi niya, at ramdam kong sincere siya. "Pero bilis-bilisan mo ang pagkilos mo, baka maunahan ka ng iba." Makahulugan na sabi niya.
"May nagbago sa paraan ng pananamit niya, at kilos niya. Kaya hindi na ako magtataka kung pati nararamdaman niya nagbago na." Pero kahit may pagbabago man ay kaunti lang. Dahil nakikita ko pa rin ang Sky na minahal ko. Yung Sky na nakilala ko noon. Pumayat rin siya kaya mas lalong bumabagay ang mga damit na sinusuot niya na noon ay hindi kasya sakanya. Simula nong nakita ko siya ulit dito hindi ko na inalis ang mata ko sakanya. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko at nilapitan ko siya. Pakiramdam ko ay ano mang oras ay may pwedeng umagaw sakanya dahil sa ganda niya. Kusang gumagalaw ang katawan ko para habulin siya at tignan ang ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
Closure (That's What We Need.)
Romance"I thought it was the end, but t'was only the beginning. I thought I could just forget, but I found myself remembering. There was no other way for us to be at peace. Closure, that's what we need."