Chapter 31: Bleeding Love.

26 3 0
                                    

Chapter 31: Bleeding Love.

SOPHIA's POV

"Marz, asan na ba yung bestfriend mo? Akala ko ba bibili lang ng chocolate shake yon? Maya-maya darating na rin si Dylan. Tch sayang ang oras para makapag-practice kayo."

Nandito na kami ni JC sa stadium. Ngayong araw na ito kasi ang unang practice namin ng sayaw para sa gagawin naming music video. It's Wednesday, my favorite day. Pero kamalas-malasan at makakasama ko si Dylan buong maghapon dahil sa practice namin.

Kanina ay kasama namin si Sky, pero nag-paalam itong bibili muna ng chocolate shake at hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik.

"Hindi ko rin naman siya matatawagan dahil Iniwan niya lahat ng gamit niya dito." Tinuro ko pa ang mga gamit ni Sky. Naiinip na ako sa kakahintay. Nakaupo ako sa pinakaharap na row ng upuan dito sa stadium, si JC naman ay nakaindian sit sa taas ng stage at may kung anong nilalaro sa laptop ni Sky.

Naalala ko ang naging usapan namin noong nakaraang Lunes. Alam kong hindi nagustuhan ni Sky ang pag-inom ko, o mas mabuting sabihin ang paglalasing ko. Wala namang masama sa pag-inom, pero nagkamali ako. Uminom ako ng sobra, na naging dahilan sa antok kong diwa. Ang totoo niyan ay si Nique pa ang naghatid sakin papuntang school, kaya nauna pa ako kay Sky nung araw na iyon. Ang balak ko lang talaga ay uminom ng kaunti upang makatulog ako agad. Pero dahil sa hindi ko inaasahang pangyayari nung gabing iyon nung Linggo ay nilunod ko ang sarili ko sa alak. Para man lang maibsan ang sakit na nararamdaman ko.

FLASHBACK

I was on my way to my bedroom after a one can of beer. I needed it to be able to sleep at night. But then I heard the buzz of my unit's door. At the same time my phone's ringing.

I answered the call as I make my way towards the door to unlock it.

"Hello? Sino to?" Pipihitin ko na sana ang doorknob ngunit napatigil ako ng magsalita ang nasa kabilang linya.

"Sophia, please open the door." Kahit pa nanginginig ang boses niya, kilalang-kilala ko na kung sino ito.Bigla ay bumilis ang tibok ng puso ko. Anong ginagawa niya dito?

Nag-aaway ang puso at isip ko kung pagbubuksan ko ba siya. Ngunit hindi ko pa man alam kung anong gagawin ko kusang gumalaw ang kamay ko at pinihit ang doorknob at binuksan ang pinto. Gusto kong pagalitan ang sarili kong kamay. At tanungin kung bakit niya ginawa yon.

Nong tuluyan ko nang mabuksan ang pinto tumambad sa aking harapan ang umiiyak na Dylan. Nagtama ang paningin namin. Hindi ko alam kung anong itsura ko habang di makapaniwalang nakatitig sakanya. Ano namang iniiyak-iyak nito?

"Sophia" Mahina man yon pero dinig na dinig ko. At iba ang naging epekto non sa akin. At ang mas ikinagulat ko ay ang daglian niyang pagyakap sa akin. Hindi ko ito sinuklian.Hinayaan ko lang siya. Naamoy ko rin ang amoy ng alak sa suot niya. Di malabong nakainom ito bago pumunta rito. Naramdaman ko ring dahan dahan kaming pumasok sa loob ng condo ko at hindi ko man lang napansin ang pagsara niya ng pinto. Andun pa rin ang tibok ng puso ko. Mas lalong bumibilis dahil sa distansyang meron kami.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang mukha ko at tinitigan ako sa mata.

"What am'I going to do, for you to listen to me." He's voice is begging. And I don't know what to say, I stayed tongue tied looking back at him.

"I missed you Sophie, please come back to me." Inilapit niya ang mukha niya sa akin, next thing I know nakasandal na ako sa pintuan habang hinahalikan niya. I was too stunned to even respond to his kisses. Naglalaban ang puso at isip ko, ayokong bumigay sa kung ano mang ginagawa niya sa akin. Ngunit hindi ko mahanap ang lakas ko upang itulak siya at sabihing tumigil na. Hindi ko maibuka ang bibig ko kahit gusto ko mang magsalita.

Closure (That's What We Need.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon