Kabanata 21

678K 20.4K 1.1K
                                        


Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 21


AGAD NAGSALUBONG ANG aking mga kilay nang sabihin sa akin ni Maximus kung saan nya kinuha ang pera na ginamit naming pang-areglo para kay Jumbo. Humalukipkip ako sa kanyang harapan at matalim na mga mata ang ipinukol ko sa kanya. "Maxine, kay Mina ang pera na iyon! Hindi sa akin!" mariin kong sabi sa kanya.


"I know, Rosenda. Pero anong gusto mo? Magtagal pa itong si Papa Jumbo sa kulungan?" aniya habang ang kanyang mga mata ay abala sa pagdampi ng bulak sa mga galos na nasa mukha ni Jumbo. Dito kami dumeretso sa apartment niya para pagdiskusyunan ang tungkol sa pera.


Bumaling sya kay Jumbo pagkuwan. "Look at him. Hindi ka ba naaawa sa kanya, huh? Hindi ka ba nag-aalala sa..." natigilan sya at sa akin naman tumingin. "...sa abs nya?"

Lumamlam ang kanyang mga mata nang tumitig sya sa akin. "Alam kong galit ka pa rin dahil sa ginawa nila ni Mina. But the situation is a matter of life and abs so I stepped in." napataas-noo sya. "Ako ang gumamit ng pera ni Mina at hindi ikaw."


Lumabas ako ng pintuan ng apartment ni Maxine. May kalapitan dito ang bahay nina Paolo. Doon nakatira si Mina ngayon mula nang humiwalay ang babae sa asawa. Pagtawid ko ay naglakad lang ako ng ilang bloke at natanaw ko na ang mataas na bakal na gate. Bumukas iyon dahil may lumabas na kotse. Kotse yata ng parents nila. Habang bukas iyon ay sakto na nakita ko si Mina sa bakuran na naninigarilyo. 


"Mina!" sigaw ko. Dahil kilala ako ng guard nila ay hindi ako nito inawat nang bigla akong manakbo papasok.  


Napatingin sa akin si Mina. Ang suot ng babae ay nighties lang. Mukhang kagigising. "Oh, Rosenda. What's up?" Nakangiti siya sa akin na bihirang mangyari noong kami pa ni Paolo. 


"Puwede ba tayong mag-usap," panimula ko. "Tungkol ito kay Jumbo. Iyong kasama kong lalaki sa party ng kapatid mo."


"Oh, your retarded boyfriend?"


Ay matatampal ko na ito!


Nginitian ko sya nang pilit. "Nalaman ko na binigyan mo siya ng pera. Iyong perang ibinigay mo, ibabalik ko sana sa 'yo, pero may nangyari kasi kaya nagamit namin. Pero nangangako ako na babayaran ko iyon agad kapag nagkatrabaho ako." 


Natawa sya nang pagak. "Don't mind it. Bayad ko iyon sa kanya."

Nangunot ang noo ko. "Bayad? Anong bayad?"


Napayuko sya at saka humihit muli sa kanyang sigarilyo. "Actually, not really a payment but a reward because he did what I told him to do." Ngumisi siya. "Ooops, I shouldn't tell you about it."


Nagtagis ang mga ngipin ko. "Alam ko ang tinutukoy mo, Mina. Nakita ko."


Nanlaki ang mga mata nya. "Nakita mo kami ni Jumbo?!"


Hindi ko sya tinugon dahil gusto ko na syang sapakin.


Humithit siya ulit at bumuga ng usok sa hangin. "Chill, Rosenda. Your boyfriend really didn't know what I wanted to happen that night. I explained a bit pero mukhang di niya talaga gets, until I showed him some cash. He looked so amazed, like he was seeing something he badly needed. So I told him that if he didn't resist what I was going to do to him, I'd give him the money. Good thing it seemed like he understood that. Hindi nga siya pumalag nang halikan ko siya."

Babysitting the BillionaireMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon