Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)
Kabanata 18
"HUMINAHON KA LANG MUNA." Boses ni Maxine.
Naninikip ang paghinga na napahawak ako sa balikat ni Maxine. Hinahon? Kaya ko bang huminahon? Gusto kong magmura! Gusto kong magwala! O kaya mamatay na lang sana ako ngayon dito sa kinatatayuan ko. Ang sakit. Ang sakit-sakit!
"Rosenda..." Halos hindi ko na marinig ang boses ni Maxine. Parang mawawasak ang dibdib ko sa sakit. Mas malala pa ang sakit na ito sa naramdaman ko nang mahuli ko si Paolo na may ibang babaeng niroromansa noong kami pang dalawa. Mas higit ang sakit na ito na nararamdaman ko ngayon. Ibang lebel na kasi ang nararamdaman ko para kay Jumbo.
Si Jumbo na ngayon ay may sinisisid na mga dibdib. Dibdib ni Mina!
Akala ko papaya ko lang ang gusto niya. Akala ko nauunawaan niya ako. Akala ko alam niya lahat ng mga sinasabi ko. Akala ko mahal niya rin ako. Hindi pala. Sobrang sakit, tangina!
Kaya kong igalaw ang naninigas kong mga tuhod para maglakad palayo. Pero ayaw kong gawin. Ayokong umalis. Gusto ko pa ng katibayan na si Jumbo nga ang nakikita ko kahit kitang-kita na siya ng dalawa kong mga mata. Mga mata kong nag-uulap na. Natagpuan ko na lang ang aking sarili na lumuluha na pala habang nakatanaw pa rin kay Jumbo na ngayon ay mga labi naman ni Mina ang sinisisid.Napapitlag ako nang maramdaman ko ang kamay ni Maxine na humawak sa aking balikat. "Rosenda, ano ba?"
Marahas kong pinunasan ang basa kong pisngi. "I-ikaw nang bahala kay Jumbo..." pagkasabi ko niyon kay Maxine ay tumalikod na ako. "Uuwi na ako."
Nakatigagal si Maxine nang lampasan ko siya.
Nagdire-deretso ang pagmamartsa ko hanggang sa makalabas ako ng gate nila Paolo. Anumang oras, pakiramdam ko ay sasabog ako at hahagulgol nang husto kaya kahit windang pa rin sa aking nasaksihan, tuloy lang ako sa paglalakad. Ni hindi ko nga namalayan na nakasakay na pala ako ng jeep pauwi.
Daig ko pa ang namatayan nang makauwi na ako sa apartment namin ni Jumbo. Para akong zombie na umupo sa isang sulok at tumulala. Yumukyok ako sa aking tuhod at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak ko. Akala ko iba siya. Akala ko iba si Jumbo! Pare-pareho lang pala sila! Pare-pareho lang na mga manloloko!Bakit kasi ang tanga ko pagdating sa love? Ganito ba talaga kapag maganda? Boba ang puso?
Galit na galit ako kay Jumbo. Gusto ko siyang pagsu-suntukin. Gusto ko siyang pagsa-sampalin. Pagta-tadyakan. Sikmuraan. Dibdiban. Hubaran. Pulbusan...Pulbusan?
Lintik, Rosenda! Umayos ka!
Ewan! Naiinis talaga ako sa kanya! Galit talaga ako! Nasasaktan talaga ako! Naririnig kong tumutunog ang aking cell phone pero hindi ko iyon pinapansin. Nasisilip ko kasi mula sa aking pagkakayukyok ang pangalan ni Maxine na tumatawag. Mayamaya'y ay tumigil rin iyon sa pagri-ring.
Ilang segundo lang at tumunog muli iyon. Si Maxine ulit. Nawala. Tumunog ulit. Si Paolo. Napaangat ako mula sa aking pagkakayukod. Ngunit wala akong balak sagutin ang cell phone ko. Nang mawala ito, napalitan naman ni Maxine. Ayaw ko pa ring sagutin. Nawala.Tumunog muli. Si Paolo. Nawala. Tumunog muli. Si Maxine. Nawala. Tumunog muli. Si Pektong.
Pisting Pektong ito! Um-extra pa ang lintek!
Nang mawala na ang mga calls, napalitan iyon ng mga messages. Siguradong galing kay Maxine iyon. Yumukyok muli ako at pinilit kong makatulog. Pero nabigo ako. Sa tuwing masasagi kasi sa isip ko ang nakita ko kanina'y parang hinihiwa ang puso ko. Ang sakit. Sa kabila noon, nag-aalala pa rin ako kay Jumbo. Iniwan ko siyang mag-isa doon. Baka kung mapaano siya.
Hindi. Tama lang ang ginawa ko na pag-iwan sa kanya!
Lumipas ang isang oras. Dalawang oras. Tatlo, hanggang sa naging apat. Madaling araw na nang tumunog muli ang cellphone ko.
Text message.
Tumayo ako at dinampot ko ang aking cell phone. Binasa ko ang mga text messages ni Maxine. Iisa lang ang tanong niya. Ano raw ang address ko. Nireplayan ko siya at ibinigay sa kanya ang address nitong inuupahan ko. Pagkatapos ay kinalikot ko ang kusina para kumain. Pero paano ako makakakain kung ganito kabigat ang dibdib ko? Minabuti ko na lang maghintay.
Nagpalakad-lakad ako. Lumipas muli ang isang oras. Dalawa. Tiningnan ko ang aking cellphone. Hindi na nag-text si Maxine. Naghintay pa ako. Isang oras pa ang nakalipas at nagliliwanag na sa labas. Wala pa rin si Jumbo.
Shet! Nag-aalala na ako!
Maghihintay pa rin ako. Isang oras muli ang lumipas at lumiwanag na sa labas. Umaga na pala. Pero wala akong nararamdamang antok. Para lang akong baliw na palakad-lakad sa maliit na espasyo nitong apartment. Pinagkikiskis ko ang mga palad ko dahil kinakabahan ako. Sa kabila ng galit na nararamdaman ko kay Jumbo, nangingibabaw pa rin ang pagwo-worry ko sa kanya.
Nagsisisi na ako. Dapat hindi ko siya iniwan don. Ako yata ang may saltik at hindi siya. Alam ko na may sakit siya sa pag-iisip pero nangingibabaw pa rin ang ang galit sa puso ko. Kaya naman dali kong inayos ang aking sarili at panandalian lang humarap sa salamin.
Babalikan ko si Jumbo. Kundi man siya pagpiyestahan ng mga babae sa party na iyon, malamang ay pagpipyestahan naman siya nila Maxine at Luisito!
BINABASA MO ANG
Babysitting the Billionaire
RomanceRosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides to take him in, babysit him, and eventually falls in love when him. She then finds out that he is wa...