Kabanata 42

784K 25.3K 9.7K
                                        

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)


Kabanata 42


BIGLANG nanikip ang dibdib ko sa kaba. Nasa likuran lang naman kasi ni Kyo si Jumbo.Naninigkit ang mga mata ni Terrence habang nakapamulsa siya. Salubong ang kanyang mga kilay at nag-igting ang kanyang panga.


May nakita ba siya? Wala siguro. Nagpanggap ako na masigla at lumapit sa kanya. "K-kanina pa kita hinahanap..."


"Really?" malamig na sabi niya. Ang kanyang mga mata ay nakapako kay Kyo na nasa likuran ko.


"Ah, eh..." napalunok ako nang tingalain ko siya. "N-nagpa-autograph lang ako kay Kyo. He-he-he!" Sa panty.


Napapikit si Jumbo at saka napabuntong-hininga. "Okay." Pagkuwan ay naglakad na siya palampas kay Kyo.


Nakahinga ako nang maluwag at tila nanlambot. Daig ko pa ang nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan. Hindi naman pala siya galit.


Patakbo akong tumalima sa kanya. Nakahinga na ako nang maluwag kasi nga di naman siya galit at aalis na kami. Ngunit ilang hakbang pa lang kami nang magsalita si Kyo. "Rosenda, right? You forgot something."


Pakiramdam ko'y nagkulay ube ang mukha ko nang mapahinto ako. Maging si Jumbo ay napahinto rin at nilingon si Kyo.


Shet! Oo nga pala. Nasa kanya pa ang panty ko!


Dahan-dahan ko siyang nilingon kasabay ng pakiramdam na tila maiihi ako. Animong may mga dagang naghahabulan sa loob ng dibdib ko nang mapaharap ako sa kanya. Nangilid ang aking luha dahil pihadong ang makikita ko ay ang aking panty na hawak niya.


"You forgot this," wika niya sa seryosong mukha.


Sa mga asul niyang mata muna ako nakatingin. Unti-unti ko lang ibinaba ang aking mga mata sa hawak niya na nakalahad sa akin. At nang makita ko ito ay daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig. Kamuntik na akong himatayin dahil maigi na lang at ito palang marker pen ang tinutukoy niya na gustong ibalik sa akin.


Kung may sakit lang ako sa puso, inatake na ako!


Nilapitan ko siya at kinuha ko ang marker pen sa kanya. Pero nasaan kaya ang panty ko? Baka naman itinago ni Kyo iyon sa kanyang bulsa?


Mabilis na akong tumalikod para sumunod kay Jumbo. Pero biglang bumagal ang paglalakad niya, ang nangyari tuloy ay mas nauna pa ako sa kanyang makarating sa pintuan.


Napapiksi lang ako nang biglang magsalita si Jumbo sa likuran ko.


"Napo-pogian ka ba sa kanya?"


Muntikan na akong mapatalon sa biglaang tanong niya. Nakasimangot ang gwapo niyang mukha nang lingunin ko siya. "Ha?"

Babysitting the BillionaireMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon