Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)
Kabanata 35
"R-ROSENDA?"
Tumango ako kahit pa nagtataka kung bakit nanlalaki ang mga mata niya.
"Your name..." aniya sa malungkot na tinig. Napalunok ako nang mariin. At nang muling nagtagpo ang aming tingin ay hindi ko maunawaan kung bakit bigla akong nag-panic. Posible nga kayang naalala niya ako kahit kaunti? "It's sounds familiar." Bagama't salubong ang kanyang mga kilay ay malamlam naman ang kanyang mga mata.
"Sabihin mo kay Jumbo, Ate... ipaalam mo sa kanya na ikaw ang babysitter niya noon..."
Mariin akong napapikit ng bigla kong marinig sa isip ang bilin ni Ruby. Gustong-gusto ko ng sabihin. Kung mayroon mang pinaka magiging masaya sa pag-amin ko sa kanya ay walang iba kundi ako. Pero tama bang dito sa bus ko sabihin? Kaya ko ba? Lalo ngayong ibang-iba na siya. Napakalayo niya na sa Jumbo na kilala ko. At oo, inaamin ko, naduduwag na ako. Natatakot ako.
Gustuhin ko mang ipaalala sa kanya ang nakaraan namin, gusto ko mang ipaliwanag sa kanya kung bakit pamilyar ang aking pangalan, pero kung gagawin ko iyon, baka naman ako lang sa huli ang masaktan. Sino ba naman kasi ako para paniwalaan ng isang tulad niya? At kung sakali ngang malaman niya kung ano ang meron kami noon, may halaga pa ba iyon sa kanya ngayon?
...
HUMINTO ANG sinasakyan naming bus. Nakadalawang sakay na kami at ngayon ay nasa Ortigas na, ayon sa konduktor. Tumayo si Jumbo at nilingap ang paligid. "Let's go." Pagkasabi niya ay nauna na siya pababa.
Wow! Ang gentleman niya talaga. Naiiyak tuloy ako. Pababa na ako sa pintuan ng sasakyan nang huminto siya. Nilingon niya ako kasama ng kamay niyang nakalahad sa akin. Ano 'to? Gusto niyang mag-holding hands kami?
Gusto ko sanang magpakipot, kaso itong lintek na kamay ko, biglang pumatong sa nakalahad niyang palad.
Naningkit ang kanyang mga mata. "Not your hand, douchegirl. My wallet."
"Ha?" Napakurap ako.
"Give me my wallet." Bumitiw siya sa kamay ko.
"Ah, oo..." Hinugot ko ang wallet niya sa bulsa ng suot kong sweater at iniabot sa kanya. Nandoon ang lahat ng pera na nakuha ko sa bus kanina.
Kinuha niya ang one-hundred-fifty na tira sa mga ipinamasahe namin at inabot niya sa akin. Anong gagawin ko rito?
Tinalikuran niya ako bago siya naglakad palayo. At dahil mahaba ang kanyang mga biyas ay mabilis siyang nakalayo sa akin. Kandadulas ako kahahabol sa kanya na para bang wala siyang kasama. Kahit nanginginig na ako sa gutom ay tumakbo ako para lang maabutan ko siya. "Sandali..." tawag ko sa kanya sa pagitan ng aking paghingal.
Nilingon niya ako at pumamulsa siya. "Why are you following me?"
"Ha?" tigagal ako habang pinupunasan ko ang sarili kong pawis.
"You're on your own now, douchegirl." Pagkuwan ay tinalikuran niya ulit ako.
Ano raw? Kahit pa alam kong suplado, arogante at dominante siya, hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Ako nang bahala sa sarili ko? Basta na lang niya ako iiwan ngayon with one-hundred-fifty pesos? Ni hindi ko nga alam kung paano magpunta sa ariport mula rito. At ni wala pang laman maski ano ang kumakalam na tiyan ko.
Hindi na talaga siya ang Jumbo na inalagaan ko. Hindi na rin siya ang lalaking minamahal ko.
Namalayan ko na lang na naglandas ang mga luha ko habang nakatanaw ako sa paglayo niya. At habang nagtutubig ang aking mga mata'y marahan akong napaupo sa isang bench na malapit sa kinatatayuan ko. Hilong-hilo na rin ako.
BINABASA MO ANG
Babysitting the Billionaire
RomanceRosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides to take him in, babysit him, and eventually falls in love when him. She then finds out that he is wa...