Kabanata 41

740K 22.6K 8.3K
                                        

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 41


TUMUNOG ANG CELLPHONE ni Jumbo mula sa kanyang bulsa. Kinuha niya ito at sinagot ang tawag. Nakatingin lang ako sa kanya habang may kausap siya sa kabilang linya. Sa totoo lang kasi, ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalang.


"Opo. Okay naman po," tugon niya sa kausap. Sino kaya itong nasa kabilang linya at tila nawala ang kanyang pagkasiga?


Nagulat na lang ako nang ilahad niya sa akin ang kanyang cellphone mayamaya."Your mother wants to speak with you."


Seryoso ba siya? Si Mama itong kausap niya sa kabilang linya? Pero paano nito nalaman ang number niya? Ay, oo nga pala. Tinawagan ko nga pala sina Mama gamit itong number ni Jumbo noong nakaraan.


Itinapat ko na sa akin ang phone. "Hello, Ma?"


"Rosendaaaaaaaaa!" hiyaw ni Mama. Halos mabingi ako sa sigaw niya.


Napatingin ako kay Jumbo na nakatitig lang sa akin. Tumalikod ako sa kanya at nagtungo sa kung saan. Ayaw kong marinig niya ang kung ano mang mapag-uusapan namin ni Mama. "Ma, bakit ka po napatawag?" pabulong kong tanong.


"E, kasi... mahigit isang linggo ka nang hindi umuuwi. Nag-aalala na kami sa 'yo." Sa tinig niya ay halatang nakikipag-agawan siya sa kanyang hawak na telepono.


"Okay lang ako, Ma. Uuwi rin po ako pero hindi ko pa masasabi kung kailan."


"E, kailan ka uuwi? Malapit na ang birthday mo, ah."


Oo nga pala. Tatlong linggo mula ngayon ay kaarawan ko na.


Narinig kong naagaw ni Dangdang ang cellphone sa kanya. "Ateeeeee!!! Si Cloud ba kasama mo?"


Hindi na ako nakatugon dahil naagaw rin ito ni Mama. "Rosenda, si Santi?! Nakuhaan mo ba ng autograph?"


Napakamot ako ng ulo. 


"Mag-iingat ka riyan, Rosenda, ha! Hindi mo alam ang Manila! Kaya wag kang lalayo kay Jumbo, dahil baka mawala ka! Basta, mag-ingat ka riyan!"


"S-salamat po." Nag-ulap ang aking paningin. Miss na miss ko na kasi sila. "Ma, kumusta po ang... si... si Baby Quiro?"


"Okay lang siya, hayun naghuhulma na naman ng putik sa labas! Hindi masaway! Paliliguan ko na lang agad mamaya! Ewan ko ba roon sa batang iyon, bakit ang hilig maghulma ng kung anu-ano--"


"Si Ruby po?" putol ko sa pagsasalita niya.


Narinig ko ang paglunok niya. "Ah, si Ruby..."


Kinabahan tuloy ako. "Ma, bakit po? May nangyari po ba?"

Babysitting the BillionaireMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon