Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)
Kabanata 45
"P-PAYAG na akong maging babysitter mo..." sabi ko sa gitna ng aking matamis na pagngiti.
Nanlaki ang brown nyang mga mata sa sumabay sa pag-alon ng kanyang adam's apple. "S-say it again..." utos niya sa akin.
Napabuga ako ng hangin bago ako muling nakapagsalita. "A-ang sabi ko... payag na akong maging babysitter mo..."
Nanginginig siyang lumapit sa akin at sinalo ng kanyang mga palad ang aking mukha. "Tell it to me again..."
Ano ba iyan?! Pero sige, pagbigyan.
"Gusto. Kong. Maging. Baby. Sitter. Mo."
"S-say it one more time..."
"Baby. Sitter. Ako. Gusto. Maging. Sa'yo."
Lalong humigpit ang mga palad niya sa aking pisngi. "I want you to say it one more time..."
Umikot ang bilog sa mga mata ko. "Ako. Baby. Sitter. Gusto. Pigain. Itlog. Mo."
Ay, ano ba iyong nasabi ko?!
"What?" nangunot ang kanyang noo.
"Ah, teka nalito na tuloy ako!" Nakagat ko ang aking daliri.
Bumagsak ang paningin niya rito at saka mabilis na tinabig ang aking kamay. "I get it." Pagkuwan ay siniil niya ako ng halik.
Banayad lang iyon ngunit mabangis. Maingat man ang kanyang mga galaw ngunit halatang nananabik. Hanggang sa maisandal niya ako sa pader. Hinihingal siya nang kumalas sa akin ang kanyang mga labi.
"M-may rules ka ba?" tanong ko sa kanya sa kabila ng sunud-sunod kong paghinga. Medyo hiningal kasi ako don sa kissing scene namin eh.
"Of course." Pagkasabi'y kinarga niya ako, habang bitbit din niya ang bag ko. Sa tangkad niya at sa tigas ng mga braso at kalamnan niya ay wala siyang kahirap-hirap sa pagkarga sa akin papasok sa barko.
Nakayapos naman ako sa kanyang leeg sa buong sandali hanggang sa makarating na kami sa hallway papunta sa mga suites. Tumigil kami sa isang pinto na nilabasan ng isang staff. Ipinagbukas kami nito bago umalis. Ang laki ng suite na ito, parang condo. Malamig dahil nakabukas ang aircon. Meron ditong mini kitchen na kumpleto ng gamit, isang pinto na para sa one-bedroom, at balcony sa labas ng sliding doors. Malaki ang flat screen TV, mga sofa, at meron pang massage chair at piano. Presidential suite yata ito rito sa barko.
Dinala niya ako sa kuwarto. Sa king size bed na naroon niya ako maingat na inilapag. Ang kulay tsokolateng mga mata niya na nakatunghay sa akin ay nag-aalab. "Rosenda, there's no turning back now."
BINABASA MO ANG
Babysitting the Billionaire
RomantizmRosenda crosses paths with a hot stranger who's suffering from some mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides to take him in, babysit him, and eventually falls in love with him. She then finds out that he is way out o...
