Kabanata 54
"Jumbo..." Sinubukan kong lumapit sa kanya subalit umatras siya para iwasan ako.
Hinihingal siya nang bumuka ang kanyang bibig. "You're kidding, right?"
"Jumbo naman, e!" Napapadyak ako sa gitna ng aking pagluha. "Tingin mo ba magbibiro ako tungkol sa ganoong bagay?"
"I have a son..."
Sunud-sunod akong tumango sa pagitan ng aking paghagulhol. Gusto ko siyang lapitan at yakapin ngunit mailap ang kanyang presensya. Para siyang mabubuwal sa pagkakatayo at hindi makabalanse nang umangat siya. Gumegewang siyang naglalakad patungo sa aming bahay.
Naiwan akong yakap ang sariling katawan mula sa hindi maampat na mga luha. Heto na 'to. Wala ng atrasan pa. Ang mahalaga ay nasabi ko na sa kanya. Kung kunin niya man sa akin si Baby Quiro ay wala na akong magagawa. Katulad ng sinabi ni Mama, may karapatan siya sa bata. Ipinagkait ko sa kanya ang limang taon kaya siguradong maniningil siya.
Pinalipas ko muna ang kalahating oras bago ako sumunod kay Jumbo. Kinundisyon ko muna ang aking nararamdaman upang itago ang sakit sa puso ko. Palalampasin ko muna ang araw na 'to. Pero hindi ako papayag na hindi kami magkausap nang maayos.
Pagpasok ko ng pintuan ay bumungad sa akin sina Cloud, Macoy, at Santi na magkakatabi sa hapag ng mesa. May kanya-kanya silang usapan na sila lang ang nagkakaunawaan. Kaibayo nila sa pagkakaupo sina Jumbo at Kyo na kapwa walang imik.
Pero nasaan sina Mama?
Tumikhim ako upang iparamdam ang aking presensya.
Si Cloud agad ang nakapansin sa akin. "Join us, honey. Naghahanda lang ng pagkain sina Mama."
Hinawi ko ang aking buhok gamit ang daliri. Umupo ako sa tapat ni Jumbo. Madilim ang kanyang mukha.
Si Kyo naman na katabi niya ay nakahalukipkip at nakapikit. Parang mas feel niyang matulog kaysa kumain. Mayamaya pa'y heto na naman ang mga braso ni Cloud at nakaakbay sa akin. Parang hindi siya nadadalang mapagalitan ni Jumbo. "I still can't believe na nakatira kayo sa ganitong bahay. Parang kapag tinadyakan ko 'to ay magigiba agad."
Walang reaksyon si Jumbo sa nakita at malayo ang tingin.
Kinuwit ni Macoy ang leeg ni Cloud gamit ang braso. "'Wag ka ngang mayabang." Bumaling sa akin ang lalaki pagkatapos. "Sorry about him. He's still in shock after finding out where we're actually going. He thought we were heading to an island with girls."
Napapangiwi na lang ako sa kanilang dalawa.
"I'm also a victim here," ani Santi sa kabilang tabi. "T gave me a call yesterday to tell me that we're going to have a live concert here in Cebu."
Kung pag-usapan nila ang lalaki ay parang hindi nila ito kasama rito. At sa kanilang apat ay mukhang si Kyo lang ang walang reklamo na tahimik pa rin sa isang sulok.
BINABASA MO ANG
Babysitting the Billionaire
RomanceRosenda crosses paths with a hot stranger who's suffering from some mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides to take him in, babysit him, and eventually falls in love with him. She then finds out that he is way out o...
