Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)
Kabanata 49
NAG-UULAP ANG AKING paningin. Pilit akong bumabalanse sa paglalakad sa daang aking tinatahak. Wala akong ibang nasa isip kun'di si Jumbo. Kailangan kong masabi sa kanya ang lahat-lahat. Kailangan niyang malaman ngayon ang totoo!
Naiinis ako sa sarili ko kasi ang tanga ko. Ang tanga ko kasi nagpaloko ako kay Sadie. Ang tanga ko kasi nabalewala lahat ng sakripisyo ko. Ang tanga ko kasi... sinayang ko ang limang taon.
Limang taon na dapat sana ay sa akin. Akin na hindi ko sana ibinigay sa iba. Ang minamahal na ipinaubaya ko sa iba. Napakatanga ko. Putangina! Ang tanga-tanga ko! Dahil sa isang kasinungalingan ay nawala ang lahat sa akin!
Kasinungalingang pinahalagahan ko kaysa sa puso ko. Iniwan ko si Jumbo at tiniis ko ang sakit. Hinayaan kong lumaki ang aking anak na walang ama dahil natatakot ako na hindi niya ito matanggap o maging kawawa ito dahil meron na siyang ibang anak. Nagdusa ako sa maraming taon dahil alam kong ito ang tama. Bagay na ipinagkait ko sa kaligayahan sana ng aking mag-ama.
Shit! Mababaliw ako kapag hindi ko nasabi sa kanya ang totoo.
Sa tulong ng pader ay nagawa kong makalikha ng paghakbang. Tutumba sana ako sa aking paglalakad nang alalayan ako ni Merdie mula sa aking likuran. "Don't worry, hija," sabay kindat niya. "...ihahatid na kita."
Wala akong nagawa kun'di ang magpatianod sa kanya hanggang marating namin ang parking lot. Saka lang luminaw sa paningin ko ang kanyang kotseng sinauna nang pagbuksan niya ako.
Oh, please... don't... not now!
Inilagay niya sa backseat ang mga gamit ko. Umupo ako sa passenger seat kung saan lumangitngit ito nang aking maupuan. Napalunok ako nang buhayin niya ang makina na tila umuubong tao.
Mahigpit siyang humawak sa manibela na para bang isang karerista. "Fasten your seatbelt, hija." Pagkuwan ay kumambyo siya. "Mabilis akong magmaneho kaya kumapit ka."
Please, not now!
Nang tapakan niya ang preno ay bigla na lang humambalos ang kanyang mukha. Maging ako ay hindi ko rin alam kung saan humampas ang aking panga. Nariyan pa 'yung halos magkauntugan kami. Dumating pa sa point na muntik na kaming magkapalit ng pwesto.
Ano bang klaseng sasakyan 'to? Hindi yata bilog ang gulong nito.
"Kaya pa?" nakangiti siya sa akin ngunit duling ang kanyang mga mata.
Konti pa. Konti pa at mapapatay na kita.
Lalo niyang binilisan ang pagmamaneho. Lalo ring bumilis ang pagtalbog ng kanyang bungo sa iba't ibang kanto.
"H-hija, ayos ka lang?" tanong niya sa akin bago lumagutok ang kanyang bumbunan sa windshield.
Hindi na ako nakasagot. Paano'y hilong-hilo na rin ako. Basta ang alam ko lang, gusto ko na siyang sakalin. Gusto ko siyang sabunutan sa ulo niya at kalbuhin.
"H-huwag kang mag-alala... mabilis lang ang... ekkk... ekek..." Biglang pumilipit sa leeg niya 'yung manibela.
Oh, God, buhay pa ba siya?
***
NASAAN AKO? Buhay pa ba ako?
Ito ang mga tanong ko nang makababa ako sa kotse ni Merdie. Nadala niya nga ako sa building ng suite ni Jumbo pero doble naman na ang paningin ko. Saka ko na siya sasapakin. Ang importante ay makausap ko muna si Terrence at masabi sa kanya ang totoo.
Patakbo akong pumasok sa glassdoor at dumiretso sa elevator. Kahit nanginginig ang aking mga tuhod ay wala akong pasubaling pumasok sa suite na tinutuluyan ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Babysitting the Billionaire
RomantikRosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides to take him in, babysit him, and eventually falls in love when him. She then finds out that he is wa...