Kabanata 39

728K 22.8K 7.1K
                                    

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)


Kabanata 39


"K-KYO?" Nanginig si Sadie nang mapagsino kung sino ang umawat sa kamay niya. Pasampal na kasi siya dapat sa mukha ko.


Ako man ay napanganga sa biglaang pagsulpot ng lalaking ito na may banyagang mga mata.


Si Kyo Montenegro!


Ibinato niya ang kamay ni Sadie sanhi para mapaatras ang babae at mapalayo sa akin. Humarang siya sa harapan ko na para bang pinoprotektahan niya ako sa kabila ng kanyang kalmadong mukha.


Bagama't may takot si Sadie sa mga mata ay taas-noo pa rin niyang hinarap ang lalaki. "A-are you on her side?"


"Touch her and I'll send you to hell," tipid niyang tugon. Simple lang ang salitang iyon ngunit nakakatakot ito.


Seryoso ba siya? Gagawin niya 'yon? Hell talaga? Kill pa daw? Agad-agad?


Nakita ko kung paano napalunok nang mariin si Sadie. Ilang beses siyang tumingin sa akin bago siya humakbang palayo. Malalaki pa ang mga hakbang niya na para bang nagmamadali. Pero kahit nawala na si Sadie sa paningin ko ay ganoon pa rin ang aking kaba.


Paano bang hindi? Nasa harapan ko lang naman ngayon si Kyo Montenegro! Hindi ako kinakabahan dahil guwapo siya, kinakabahan ako dahil may kakaiba talaga kasi sa kanya. May something na parang nakakangilag, nakakailang o nakakatakot? Basta! Hindi ko maipaliwanag. Siguro dahil hindi approachable ang istura niya.


Marahang pumaling ang ulo ni Kyo para lingunin ako. Nanigas ang aking katawan nang masalo ko ang asul niyang mga mata. Bahagya siyang yumuko nang humarap siya sa akin upang magpantay ang aming mukha. Ang mga kamay niya ay nananatili lamang sa kanyang bulsa.


Teka! Teka! Ano'ng ginagawa niya? Bakit niya ako pinagmamasdan?


Pagkuwa'y tumayo muli siya nang tuwid. Bumaling siya sa kawalan ngunit ang mga mata niya ay naiwan sa akin. "You're nothing but just an ordinary girl." Pagkasabi niya nito'y humakbang na siya palayo at tinalikuran ako.


Ano kayang problema ng lalaking 'yon? Mukhang mas misteryoso pa siya kaysa kay Jumbo. Napasuntok ako sa hangin nang may maalala ako. Oo nga pala! Nagpapakuha si Amang kahit autograph man lang sa kanya! Kainis, nakalimutan ko pa!


***


HINDI MAHIRAP hanapin ang Black Omega Society Band. Simple lang naman. Kung nasaan ang umpukan ng mga tao, panigurado, nandoon sila. Nakaupo sila sa parang terasa kung saan kailangan ko pang umakyat ng hagdan. Dim din ang lights kaya pakiramdam ko tuloy ay nasa loob ako ng isang bar.


"There you are!" sigaw ni Cloud nang makita niya ako. Tumayo siya upang lumapit sa akin at iginiya niya ako paupo sa kanyang tabi. Nang mapaupo ako sa leather na sofa kaharap ang banda ay nanikip ang dibdib ko. Sa harapan ko kasi ay may katabing babae si Jumbo.

Babysitting the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon