Kabanata 30

637K 22.1K 6.9K
                                    

Kabanata 30


TUMAGAL DIN NG humigit kumulang isang oras at labing limang minuto bago lumapag sa Manila airpot ang eroplanong aming kinalulanan. Bagama't kahit papaano'y nagtagal ako sa sasakyang ito, hindi ko na-enjoy ni nasilip man lang ang kalupaan mula sa langit.


Hindi kasi nawala ang aking pagkakatitig dito sa hawak kong Black Ticket. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nasa aking palad ito. Imagine, milyung-milyong katao ang naghahangad na magkaroon ng ganitong winner ticket na ngayon ay pag-aari ko.


Pagbaba namin, kasama ko si Attorney Deogracia, ay sinalubong agad kami ng dalawang malaking lalaking unipormado. Dinala nila kami sa isang limousine car na itim at doon kami pinapasok. Nang makaupo ako sa loob ng sasakyan, nag-ring ang aking cellphone. Dali ko itong sinagot nang makita ko ang pangalan ni Ruby sa screen.


"Ano, Ate?! Nagkita na ba kayo?! Nakita mo na ba sila?!" halos mabingi ako sa lakas ng boses niya.


"Nasa biyahe pa lang — "


Narinig kong inagaw ni Mama ang telepeno. "Rosenda, ikumusta mo ako kay Santi, ah!"


Hay naku!


Narinig ko rin ang ingay sa paligid na tila ba pinag-aagawan nila ang cellphone makausap lang ako. Sa huli'y mukhang may nanalo na sa pakikipagbuno maagaw lang ito. "Hello, Rosenda..."


Si Amang.


"Hingi ka ng picture ni Kyo, ah."


Grrrrr!


Maige na lang at nakuha muli ni Ruby ang linya. "Ate, ako kay Macoy."


Natatawa na lang ako sa kanila. Bigla ko tuloy silang namis. "Ruby, iyong mga bilin ko sa'yo. Si baby Quiro, wag mo hayaang maglikot. Ikaw na muna bahala sa kanila dyan habang wala ako..." biglang nabasag ang boses ko.


"Ate, naman... tatlong araw ka lang dyan, eh."


Matagal akong hindi nakapagsalita. "Kinakabahan ako, Ruby..." kinagat ko ang aking hinliliit na daliri.


"Ipanatag mo lang ang sarili mo, Ate. Ang importante, masabi mo sa kanya na siya ni Jumbo natin..."


Napahugot ako ng malalim na paghinga. "Bahala na. Tatawagan ko na lang kayo mamaya at babalitaan. Kapag hindi na ako nakatawag, ibig sabihin, napulbusan ko na siya, hehe."


Napahalakhak nang malutong si Ruby. "Kaw talaga, Ate."


"Pwede ko bang makausap si baby Quiro?"


Ibinigay niya ang telepono sa bata. "Elo, Nanay Senda..."


"Baby Quiro, wag ka papasaway kay Nanay Ruby, ah..." pumipiyok ako. Namis ko kasi siya agad. Miss na miss ko na siya agad. Hindi ko talaga kayang mawalay sa kanya kahit saglit lang. Pero kailangan.

Babysitting the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon