Kabanata 1

1.5M 35.7K 33.9K
                                        

BTB is now back on WP in 2026. Please read only this new extended version to avoid confusion. There will also be a book release of this story this year, 2026 under LIB. Isang book na lang siya with ALL PARTS included, plus newly ADDED SCENES and a special chapter. It will be just one book, so it will be more affordable, and it will include T's backstory. Please wait for it!


Kabanata 1


ANO BA IYON? Parang may umaalulong na aso?Napahinto ako sa aking paglalakad nang matanaw ko'ng may ka-chuk-chakan na naman si Bayug sa kalsada. Nag-init agad ang ulo ko. Lintek kasi, kaliit-liit ang lakas kumayog.


"Shoo! Bayug, uwi!" si Bayug pala ay itong aso namin.


Napaungot na lang si Bayug at nasa hitsura nito na nabitin. Ang laki kasi nitong asong gusto niyang iskoran gayong maiksi lang naman ang mga paa niya. Ni halos hindi nga siya makasampa sa likuran nito.


"Shoo! Uwi!" hayun at nagtatakbo sya pauwi sa bahay naming walang pinto. Ewan ko ba kung bakit ganito ang pagkakagawa sa aming tahanan. Kami lang yata sa lahat ng bahay sa mundo ang walang pinto.


Ganito na siguro talaga kami kahirap, na ultimo pang-pinto ay hindi pa madiskartehan. Meron naman kaming kurtina kaya okay lang. Sa gabi naman ay hinaharangan namin ang pintuan ng tabla. Ligtas din naman itong bakuran namin dahil mataas ang aming bakod na yari sa kawayan. Di bale, magsisikap pa ako sa pagtatrabaho ng sa gayon ay mapagawa ko na rin ang pinto namin.


Pagpasok ko sa loob ng aming maliit na sala ay nakita ko na kalalabas lang ng aking step-father mula sa kuwarto nila ng mama ko. Ang tawag ko sa kanya ay 'Amang'. Napatingin siya sa akin. "Oy, Rosenda, kanina ka pa?" tanong niya na walang kangiti-ngiti. At hindi naman talaga siya ngumingiti sa akin. Asa pa ako.


"Kararating ko lang po," magalang kong tugon.


"Oh, eh... ano pang tinatanga-tanga mo dyan? Maghugas ka na ng plato bago pa langgamin ang mga iyon."

Ngumiti ako. "Sige po. Diretso na po ako sa kusina, Amang."


Ni hindi niya inintindi 'yung sagot ko, kasi tinalikuran na niya ako. Pagpunta ko sa kusina, bumungad sa akin ang tambak na hugasin sa lababo. Pagod ako sa trabaho 'tapos heto ang sasalubong sa akin. Sanay naman na ako sa ganitong trato nila sa akin na para akong ibang tao, pero nakakalungkot pa rin. 


Nang mapadaan si Mama sa kusina ay napasimangot agad siya. "Rosenda, bilisan mo diyan. Parating na si Ruby!" pagkasabi niya ay dumeretso na siya sa banyo.


Napapailing na lang ako. Si Ruby ay kapatid ko sa ina. Anak siya ni Amang. Bale ako iyong anak sa labas. Isang German ang nagsamantala kay Mama nang magtrabaho siya abroad. Ako ang naging bunga ng pananamantala na iyon. Pag-uwi niya, buntis na siya. Galit na galit si Amang pero sa huli ay napatawad niya si Mama — maliban sa akin. Kasi hanggang ngayon ay galit sa akin si Amang although wala naman ako'ng kasalanan.


Tuwing nakikita nila ang kulay green kong mga mata, nabubuhay ang galit nila sa nangyaring pananamantala kay Mama. Lalo pa nang lumalaki na ako at lumilitaw na sa akin ang iba pang foreigner features, gaya ng hugis ng ilong at tangkad.

Babysitting the BillionaireMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon