Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)
Kabanata 27
MULA SA KINAHIHIGAANG hospital bed ay napaangat ang ulo ni Ruby nang makita niya akong pumasok sa pinto.
"Ate..." Namumutla siya at kahit ilang araw pa lang ang lumipas ay kita na sa ilalim ng kanyang mga mata ang pangingitim. Ang dating maganda at batang-bata niyang mukha ay tila umedad agad dahil sa kinakaharap na sakit at problema.
Anong nangyari sa kapatid ko? Sa dati'y puno ng buhay na teen-ager? Sa dati'y maporma at fashionistang college student? Lahat ay nagbago sa kanya mula ng mabuntis siya at takbuhan ng ama ng ipinagbubuntis niya. Pinilit ko siyang ngitian.
"Ate..." Inabot niya ang kamay ko. "Sorry, Ate. Hindi ko naman alam na magiging ganito. Hindi ko alam na... mauuwi sa ganito..."
"Shhh... hindi mo ito kasalanan." Naluha na ako. "Ruby, kung may magagawa lang sana ako para pananagutin ang lalaking iyon. Kung masasabi mo lang sana sa akin kung sino siya."
Umilap ang mga mata ni Ruby. "Ate, ayaw ko na siyang pag-usapan. Ate, sorry, pero hindi ko talaga kayang sabihin sa 'yo kung sino siya. At kung malalaman niyo rin kung sino siya, hindi rin naman siya makakatulong sa sitwasyon ko. Lalo lang magiging komplikado ang lahat. Sorry, Ate..."
"Kung ganoon pala, bakit pumayag ka pa rin na may mangyari sa inyo?" Naguguluhan kong tanong. Hindi naman mabubuo ang bata kung hindi rin pumayag si Ruby.
Umiwas siya ng tingin sa akin. "Sorry, Ate. Alam ko na huli na para magsisi pa ako. Sorry. Nabulag kasi ako sa pantasya na magiging maganda ang ang buhay ko sa kanya. Nabulag kasi ako sa sobrang saya. Nabulag ako sa isiping kaya ko na ang sarili ko... nakalimutan ko tuloy na may mga tao akong masasaktan. Na sa huli, kayong pamilya ko pala ang pahihirapan ko. sorry..." Mahina siyang umiyak. Nag-aalala ako dahil baka makasama iyon sa puso niya kaya inalo ko agad siya.
"'Wag kang mag-alala, kahit nagkamali ka, naririto pa rin kaming pamilya mo. Hindi ka naman namin matitiis, e. Hindi ka namin papabayaan..."
Tumango siya sa akin at sinikap akong ngitian matapos punasan ang sariling luha. "Ate, kumusta nga pala si Jumbo?"
Ako naman ang umiwas ng tingin sa kanya. "Okay lang siya. Pero may pinapasabi siya sa'yo."
"Ano?"
"Jumbo..."
Natawa siya. "Eh, 'yon lang naman ang kaya niyang sabihin bukod sa papaya, di ba?"
Nagkatawanan kami. Mayamaya'y hinagkan ko siya sa noo. "Magpagaling ka, Ruby..."
"Ate, kumusta na raw pala ang kalagayan ko?"
Napabuntong-hininga ako. "Kaunting tiis na lang, Ruby." Pagkuwan ay lumuhod ako at hinimas ko ang kanyang tiyan. "Kaunting tiis na lang at lalabas na kayo ni baby dito..."
Kinuha niya ang aking kamay na nakalapat sa kanyang tiyan at iniangat iyon patungo sa kanyang pisngi. "Ate, sorry ulit, ha..." pumiyok na naman siya.
"Shhh... ano ka ba? Tama na iyang iyak at baka mapaano na kayo ni baby."
Umiling siya habang lumuluha na naman. "Sorry kasi... naging pasaway ako. Hindi ako naging mabuting kapatid sa'yo..."
BINABASA MO ANG
Babysitting the Billionaire
RomanceRosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides to take him in, babysit him, and eventually falls in love when him. She then finds out that he is wa...