Kabanata 8

782K 20.9K 3.9K
                                    

Kabanata 8


NAALIMPUNGATAN AKO NA PAPUTOK NA ANG ARAW.


Madaling araw pero hindi pa gaanong nagliliwanag. Walang alarm clock pero kusa ang katawan ko sa pagbangon. Hindi dahil sa nakasanayan na, kundi dahil aware na ngayon ang utak ko sa mga nangyari sa nakaraang magdamag. 


Wala na talaga. Wala na ang bagay na iniingatan ko. Gayunpaman, huli na para magsisi. Nangyari na. 

 

May matigas na brasong nakayakap sa aking bewang. Alam ko na agad kung kanino. Pag-aari lang naman iyon ng lalaking nakasama ko sa buong gabi... si Jumbo. 


Nadako ang paningin ko sa kanyang guwapong mukha. Mahimbing pa rin syang natutulog. Hinaplos ko sya sa pisngi. Paano ko naibigay ang sarili ko sa taong ito? Wala syang kamuwang-muwang. Ni hindi nga yata nya alam ang nangyari sa amin kagabi eh. At saka bakit ganito? Kahit tulog na sya ay ang guwapo nya pa rin? 


Alam ko na hindi sapat na dahilan ang kalasingan at kalungkutan, kaya bakit ko naibigay kay Jumbo ang aking pinakaiingatan? Bakit?


Si Paolo.


Bakit ba noong mga panahong hinihingi nya sa akin ito ay hindi ko naibigay sa kanya?


Napabangon ako dahilan para makagat ko ang aking ibabang labi. Ang sakit ng katawan ko. Ang mga luha ko ay sinabayan ng malamig na hangin na dumampi sa aking kahubaran. Nayakap ko na lang ang sarili habang tahimik na umiiyak.


Kung ibinigay ko ba kay Paolo ang hinihingi niya noong kami pa ay ngayon kaya'y kami pa rin? Ah, wala nang saysay para isipin ko pa iyon. Ang kailangan kong harapin ngayon ay ang kinahinatnan ng aking pagiging padalos-dalos.


Nagpunas ako ng luha sa mukha. Kahit masakit ang buong katawan ay nagsikap akong makatayo at hinagilap ang aking mga damit. Nagbihis ako agad. Kailangan kong magmadali bago sumikat ang araw. Hindi dapat madatnan kami ni Dangdang na ganito.


Nilinis ko si Going Marry. Sa sahig, nakita ko ang bakas ng dugo. Pihadong galing iyon sa akin. At nang makapag-ayos na ako roon, si Jumbo naman ang lilinisan ko. 


Bumaba muna ako kay Going Marry at pumasok sa bahay. Sa kwarto ko, naroon pa rin si Dangdang at mahimbing pa rin ang pagtulog. Pagtungo ko sa kusina ay kamuntik na akong mapatalon sa gulat. 


"Ruby?"


Naroon sya at prenteng nagsesipilyo ng ngipin.


Napangiwi ako. Naalala ko kasing pinansepilyo ni Dangdang kay Jumbo ang sepilyo nyang ginagamit ngayon. 


"B-bakit ang aga mo?" tanong ko sa kanya.


Hindi nya ako tinugon. Lumapit sya sa akin matapos nyang magsepilyo. 


"Pengeng pera. May project ako."Aniyang may pagkayamot. Nakalahad ang mga palad nya sa akin.

Babysitting the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon