Kabanata 50

753K 23.1K 8.2K
                                        

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 50


"I'M LONGING TO know the answer..." habol ni Jumbo ang kanyang paghinga matapos niyang suntukin ang pader sa aking likuran. "Why did you give up on me?" nag-igting ang kanyang panga. "Why did you leave me?!"


Samantalang ako ay nakatingala lang sa kanya at tila may bara sa lalamunan. Wala akong maapuhap na sabihin sa kabila ng napakaraming paliwanag sana.


"Mabaliw-baliw ako sa pag-iisip at paghahanap ng walang kasiguraduhan! Mukha akong tanga dahil ako lang ang naniniwalang nag-eexist ka dahil lahat ng tao ay hindi naniniwala! Bakit ngayon ka lang lumitaw?!


Nangyayari ba talaga ang lahat ng 'to? Akala ko talaga, nagbalik na si Jumbo. 'Yon pala, hinuhuli niya lang ako!"


Umatras siya at tinalikuran ako. Kulang na lang ay sabunutan niya ang sarili nang yumuko siya. Napamura siya nang malakas bago niya marahas na tinabig ang lahat ng bagay na malapit sa kanya. Lahat ng mahawakan niyang bagay ay kanyang ibinabato sa kung saan. At dahil malakas siya, walang kahirap-hirap niyang itinaob ang kama matapos siyang mapahiyaw sa galit.


Naninigas lang ang aking katawan at walang magawa kun'di pagmasdan ang galit niya.


Nang humarap siya sa akin ay tiim-bagang siya. "Tell me!" Isang pulgada lang ang layo ng kanyang bibig sa aking mukha. "Why did you leave me?!"


Nanginginig ako at walang maisagot sa mga tanong niya. Gusto kong magpaliwanag ngunit  hindi ako makapagsalita sa naghahalong gulat, takot, at kaba. Ang mga paliwanag na pinag-practice-an ko kanina sa kotse ay lahat nawala.


Humihingal siyang muling umatras habang ang kanyang mga mata ay nakapako sa akin. Huminahon ang kanyang tinig subalit halata ang hinanakit sa boses. "You left me for no reason?"


Bumuka ang aking mga labi.


"You made my life miserable, don't you know that?" Ibinaling niya ang paningin sa iba. "My doctor said to me that you're just a dream. My mother told me that maybe, you never exist." Bumalik ang mga brown niyang mata sa akin. "Everyone stated that you are not real!" Lumapit muli siya sa akin at kinuha niya ang aking kamay. Inilagay niya 'yon sa kanyang dibdib nang mariin.


Nag-ulap ang aking paningin nang makita kong nagtutubig na ang kanyang mga mata.


"I don't even know why I always feel you evertime I touch this." Pinisil niya ang kamay kong naroon sa kanyang dibdib. "Maybe because you left something inside me." Bahagya siyang yumukod upang bumulong sa aking punong tainga. "Pain."


Tuluyan nang naglandas ang aking mga luha.


Umangat siya at hinawakan niya ang aking braso. "Hinanap kita pero hindi kita makita..." basag ang tinig niya.


Lalo pang dumiin ang pagkakahawak niya sa aking braso.


"I can't remember you, but I could feel you. Your promises... they're here." Itinuro niya ang kanyang dibdib. "You made a promise, right? I don't even know how I remembered it. But there's one thing I do know..." Kinabig niya ako palapit sa kanya nang iangat niya ang aking braso. "...you broke it." 

Babysitting the BillionaireMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon