Kabanata 6
MAAGA akong nagising at hindi ko maiwasang hindi pagmasdan si Jumbo na mahimbing nang natutulog. Hindi ko maiwasang mapangiti at mapailing. Paano ba naman kasi, nakadantay si Dangdang kay Jumbo na para bang close na close na sila. Halata mong magaan kaagad ang loob ni Dangdang sa lalaking ito. Ewan ko ba, may kakaiba kasi talaga sa pagkatao ni Jumbo. Hindi siya mahirap gustuhin.
Noong una ay natakot ako na baka isumbong nya ako kina Mama, na hindi naman niya ginawa. Wala man lang siyang tanong-tanong o kahit violent reaction nang makita ang lalaking bitbit ko. Para bang nagtiwala na lang din siya agad. Heto na nga, partner in crime na naman kami. Katulong ko na siya sa pagtatago kay Jumbo.
Akma na akong hihiga nang mapangiti muli ako. Ngayon ko lang napansing kasali rin pala si Bayug na halos kayakap na ni Jumbo na mahimbing din ang tulog. Napabuntong-hininga ako. I guess Jumbo is an extra-ordinary man. May something talaga sa kanya. Kilala ko si Bayug, wala itong nakakasundo bukod sa pamilya ko.
"Pabili!!!"
Napabalikwas ako nang bangon sa tinig ni Pektong na iyon. Umaga na pala. Ganun na lang ang pagdagundong ng dibdib ko nang makita kong wala si Jumbo at Dangdang sa higaan.
Mabilis akong lumabas ng kwarto. "Dangdang?!"
Sa maliit na kusina sa likod-bahay ko sila natagpuan. Natigagal dahil sinesipilyuhan lang naman ni Dangdang si Jumbo!
Lumingon sa akin ang batang babae. "Good morning, Ate Rosenda! Tinignan mo si Jumbo, nagto-toothbrush siya!"
Tahimik lang si Jumbo habang sinisepilyuhan ng kapatid ko.
Agad ko silang nilapitan. "Baka makita sya nila Mama."
"Wag ka alaala, Ate. Maaga umalis sina Mama." Nagpatuloy sya sa kanyang ginagawa. "Laban ng manok ni Amang ngayon."
Akala ko'y tulog pa rin sila sa kwarto nila. Nasa sabungan na pala. Ginawa na kasing trabaho ni Amang ang pagsasabong. Iyon lang talaga ang ginagawa nito sa buhay. Ang sabungan pala na pinupuntahan nito ay pag-aari ng Amerikanong si Lucas. Speaking of Lucas, pag-uwi namin ni Jumbo ay wala na ito sa aking kuwarto kung saan ko ito iniwan.
"Kanino pala iyang toothbrush na gamit mo kay Jumbo?" tanong ko pagkuwan sa aking kapatid na si Dangdang.
"Kay ate Ruby." Parang proud pa sya.
Napapikit na lang ako.
"Pabili, ano ba?!!!" napasigaw na si Pektong.
May bumibili nga pala.
"Oy, Rosenda, pabili nga sabi!"
Nakakairita talaga ang boses nya. Ang aga-aga eh nambubulabog. "Bayug!"
BINABASA MO ANG
Babysitting the Billionaire
RomanceRosenda crosses paths with a hot stranger who's suffering from some mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides to take him in, babysit him, and eventually falls in love with him. She then finds out that he is way out o...
