Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)
Kabanata 14
HAWAK NI JUMBO ANG MAGKABILANG PULSO KO.
Nang umatras ako palayo sa kanya ay hinila niya ako pabalik. Napalunok ako dahil gahibla na lang ang layo ng aming mukha sa isa'isa. "Jumbo, sandali..."
Hindi niya ako pinakinggan. Parang nag-ibang tao na naman siya. Iba na ang emosyon sa mga mata niya. Mainit na. Na para bang kahit umatras ako ay di na siya papayag. Wala rin naman akong balak umatras. Na-miss ko siya. Mahal ko siya. Gusto ko siyang makasama, kaya lang, nahihiya pa rin ako sa kanya.
Humakbang ako palayo sa kanya, pero para lang sana magkaroon ng espasyo sa pagitan namin, kaya lang ay ayaw niya talaga akong palayuin kahit kaunti. Ang mga pulso ko ay hinila niya, hanggang sa ang mga palad ko ay kanyang inilagay na sa ibabaw ng matigas na dibdib niya. Naramdaman ko ang pagtibok ng puso niya. Mabilis. Malakas. Hanggang tuluyan na akong nabingi.
Ipinadausdos ko ang aking mga palad mula sa malapad nyang dibdib pababa. At pababa pa. Dinama ko ang mainit at makinis nyang balat. Hanggang sa bumaba pa ang aking paghaplos. Dito ako nagtagal sa kanyang abs.
Marahan akong lumuhod habang nananatiling magkabigkis ang aming paningin sa isa't isa.
"Jumbo..." halos pabulong na lang iyon.
"Jumbo..." sagot niya. Hindi siya kumukurap habang nakatitig sa mukha ko.
"Jumbo, gusto mo ba talaga itong nangyayari sa atin?" tanong ko na hindi niya sinagot ng salita. Napapikit na lang ako nang yumuko siya upang abutin ang mga labi ko gamit ang mga labi niya. Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha.
Napaiyak ako habang hinahalikan ako ni Jumbo. Mga luha na hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa saya. Kaya nang kargahin niya na ako papunta sa kama, ay buong puso ako na yumakap at nagpatangay sa kanya...
...
NAGISING ako nang may marinig akong nagbubungkal sa kusina. Nang ibaba ko ang jalousie para sumilip sa labas, palubog na ang araw. At ganoon na lang ang pagpa-panic ko nang may maalala akong dalawang bagay. Una, hindi pa kami nananghalian ni Jumbo. Huling kain pa namin iyong kina Maxine kaninang umaga. Pangalawa... Anak ng! Napayakap ako sa aking sarili. Wala kasi akong damit!
"Jumbo," tawag ko sa kanya na abala pa rin sa paghahanap ng makakain sa maliit naming kusina. Nagbihis muna ako.
"Jumbo, dito ka lang muna ha? Bibili ako ng pagkain natin. Malapit lang iyong palengke. Hindi na kita isasama. Naintindihan mo ako?"
Malungkot siyang tumango. "Jumbo."
Tiningala ko siya. Hinawakan ko ang kanyang mukha at hinagilap ang kanyang mga mata. "Babalik ako kaagad. Promise. Basta dito ka lang, ha? At 'wag kang magpapapasok ng kahit na sino dito."
"Jumbo," tugon niya.
Wala sa loob na napatitig ako sa mga mata ni Jumbo. Hindi ko alam kung bakit, pero parang bigla akong nakaramdam ng kaba. Para kasing nakakita ako ng kislap sa mga mata niya, kislap na hindi ko maipaliwanag kung bakit nagdala ng kakaibang kaba sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Babysitting the Billionaire
RomanceRosenda crosses paths with a hot stranger who's suffering from some mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides to take him in, babysit him, and eventually falls in love with him. She then finds out that he is way out o...
