Kabanata 29
"RUBY, IYONG MGA bilin ko sa'yo, ha? Ite-text mo kami nila Mama kapag nasa Manila ka na." Sumunod ako sa kuwarto niya. "Tatawagan kita kaya wag kang magpapatay ng cell phone. 'Tapos iyong—"
"Ate, kahapon ka pa nagpapaalala sa akin. Memorized ko na po." Hindi na ako pinatapos ni Ruby sa pagsasalita. "Don't worry ka na lang diyan, okay? KKT! As in Keri Ko To." Nakangiti ang kanyang mga mata habang nakatitig siya sa akin.
Napabuga ako ng hangin nang makita ko ang maleta na nasa gilid ng kama niya. Iyon siguro ang maleta na dadalhin niya sa Manila. Magtatagalan kasi siya ng tatlong araw sa Manila dahil bukod sa one-day-date with Terrence, ilang days rin ang ii-stay niya sa Montemayor Cruise. Napakagat-labi ako at saka ko sinalo ang kanyang mga mata. "Basta, Ruby, wag mong kakalimutan iyong huling bilin ko."
"Alin ba ron? Andame e."
Lumapit ako sa kanya. "Iyong tungkol kay Jumbo."
Lumawak ang kanyang ngiti. "Don't worry, ate. Hindi ko ipapaalam sa kanya na ikaw babysitter niya dati."
Napangiti na rin ako sa sinabi niya. "'Lika nga rito..." pagkatapos ay niyakap ko siya. Mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Gusto ko siyang tirisin! Kung pwede nga lang ay sabunutan ko siya at sakalin! O kaya ay ingudngod sa lupa at saka sipa-sipain!
Pisti kasi, eh! Mukhang balak pang agawin si Jumbo sa'kin!
"Ah, ate... hindi na ako makahinga..."
Dapat lang sa'yo yan! Malandi ka!
Kumalas ako sa kanya. Sana pwede kong hiklatin ang talukap ng mga mata niya.
"P-puntahan ko lang si baby Quiro..." pagkasabi niya nito ay tinalikuran niya ako.
Napaupo ako paglabas niya ng kwarto. Bakit kaya ako nagkakaganito? Bakit ko kaya nararamdaman ito? Sana ako na lang. Pagkatapos ay kusa akong napalingon sa Black Ticket ni Ruby na nakapatong sa isa pang malaking bag.
My precious...
Charot!
Napaangat ako nang makita ko ang nasa loob ng bag na iyon. Isa-isa ko itong binungkal.
Hala! Bakit puro mga damit ko ito?!
Ano kaya ang binabalak ng Ruby na ito?
Dali akong lumabas ng kwarto at si Mina agad ang nabungaran ko. Napatayo siya sa upuan nang makita niya ako. "Hi, Rosenda. Long time no see..." ngumiti agad siya sa akin.
Ano na naman kaya ang ginagawa ng hitad na ito dito sa Pinas. Walang nabanggit sa akin si Paolo na nakauwi na pala itong kapatid nyang babae. Sinikap ko siyang ngitian. Nahagip ng paningin ko si Mama na ilang hakbang lamang ang layo sa amin. Hindi ito makatingin sa akin ng maayos. "A-anong atin, Mina?" tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Babysitting the Billionaire
RomanceRosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides to take him in, babysit him, and eventually falls in love when him. She then finds out that he is wa...