Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)
Kabanata 36
"What?" angil na naman niya. Maiksi talaga ang pasensiya niya, pansin ko.
"Eh, keshe. Eh keshe, a-ano. A-ahm..." Ano nga bang sasabihin ko? "Gutom ako at, at mukha kang hotdog! Isang malaking hotdog!"
Kumuyom ang mga kamay niya na nakasandal sa pader. "Who are you, really?"
Lumamlam ang mga mata ko bago ako napapikit. Siguro nga ito na ang tamang oras para malaman niya ang totoo. "Ganito kasi 'yan. Ikaw 'yung—"
Biglang tumunog ang doorbell dahilan para mapalingon kami sa pinto. Umayos siya nang tayo at saka siya muling bumaling sa akin. "You stay here." Pagkasabi niya'y tumalikod siya sa akin at humakbang palayo. Ikinagulat ko nang makita ang tattoo sa kanyang likod. Katulad iyon ng mga nasa likod nila Santi at Cloud.
Isang malaking krus?
May dinampot siyang t-shirt sa may sofa at daling isinuot 'yon. Lumabas siya at isinara ang pinto.
Nang mawala siya sa aking paningin ay saka ko lang naramdaman ang panlalambot. Dahan-dahan akong napaupo sa kalapit na upuan.. Nilapitan ako ni Pookie at nilambing. Niyakap ko ito bago ako napabuga ng hangin.
Muntik na, Pookie. Hay, kasing intense ng sosyal mong pangalan ang naramdaman ko kanina. Hindi ko pa talaga kayang sabihin sa amo mong masungit ang totoo. Hindi ko alam pero natatakot talaga ako.
Nagpasya ako na bumalik muna sa kuwartong ginamit ko kagabi. Bitbit ko si Pookie at ang isang tasang kape. Baka kasi may bisita si Jumbo, ayaw ko namang makaistorbo. Saktong nasa kuwarto na ako nang makarinig ako ng mga kalabugan mula sa labas. May naririnig akong sumisigaw pero hindi ko gaanong maintindihan ang mga sinasabi, basta ang tiyak ko lang ay babae ang nagsasalita. Parang inaaway si Jumbo. Mabuti na lang pala at bumalik ako rito sa kuwarto. Mukhang may komosyon sa sala.
"Pookie, ano kaya iyon?" Hindi ako mapakali. Nakucurious ako kung ano ang meron sa labas at kung sino iyong kaaway ni Jumbo.
Mayamaya'y isang nabasag na gamit na tila ibinato ang narinig ko. Hindi na ako nakatiis, tumayo at sinilip na ako sa pinto. Nanlaki ang aking mga mata nang matanaw ko ang isang pamilyar na babae. Hindi ko siya pwedeng makalimutan, dahil ang babaeng ito ay isa sa mga naging dahilan kaya nagpasya akong iwan si Jumbo noon. Siya si Sadie! Siya ang fiancée ni Jumbo!
Pero bakit siya umiiyak? Si Jumbo naman ay palakad-lakad sa kanyang harapan na tila nakukunsumi. Isa pa sa malaking palaisipan sa akin ay kung bakit hindi na sila ikinasal kahit pa bumalik na sa normal si Jumbo. At bakit parang hindi sila naheheadline sa mga news o kahit sa mga magazines man lang?
"Stop it, Sadie! Mahiya ka sa bata!" gigil na saway ni Jumbo sa babae ng akma na naman itong dadampot ng gamit para ibato.
Bata? Sinong bata?
Napunta ang paningin ko sa sofa. May bata ngang nakaupo ron! Moreno ito at malaki ang pagkakahawig kay Sadie. Habang tinitingnan ko ang batang lalaki na sa tantiya ko ay mga anim na taong gulang, ganoon na lang ang kaba sa dibdib ko.
"Pumasok ka muna sa kuwarto, Ronnel! I will just talk to this man!" utos ni Sadie.
Nanakbo agad ang bata patungo sa kwarto kung nasaan ako. Mabilis akong umupo sa kama habang pinagmamasdan siyang pumapasok sa pintuan. Nagulat siya nang makita niya ako at si Pookie.
"Hello..." Nginitian ko siya kahit kinakabahan ako. Dahil ang totoo, natatakot akong malaman ang koneksyon niya kay Jumbo. Kahit pa may hinala na ako kung sino siya. At natatakot din ako na baka magsumbong siya kay Sadie na may tao rito sa kuwarto. Tiyak na pag-iinitan na naman ako ni Sadie.
BINABASA MO ANG
Babysitting the Billionaire
RomanceRosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides to take him in, babysit him, and eventually falls in love when him. She then finds out that he is wa...