Kabanata 2

1.1M 30.6K 17K
                                    

Kabanata 2

HINDI mawala sa isip ko ang guwapong mukha ni 'Sandwich Snatcher' kagabi. Bakit napakadungis niya na? At bakit kaya napagdiskitahan siya nung apatna tambay para bugbugin?


Kaya lang, ano kayang problema non? Bakit napakadungis na nya ngayon? May saltik kaya yon? At saka bakit lagi nyang ninanakaw ang sandwich ko?


Wala ba siyang makaing iba?


 O baka talagang palaboy siya?


Pero may palaboy bang ganoon kaganda ang kutis? Ganoon kabango ang hininga? Ganoon ka-guwapo at kalakas ang dating?


Kaya nga kahit napakarungis niya nang gabing 'yon at kahit na kinabahan ako sa pwede niyang gawin sa akin, hindi ko maalis 'yung atraksyon na naramdaman ko sa pangalawang beses na pagkikita namin. Hindi mabura sa isip ko ang nakakaakit niyang mga mata.


Ang weird, hindi ba dapat matakot ako? Hindi ba dapat, hindi ko na hilingin na magkita ulit kami? Pero bakit ganon? Bakit siya 'yung pinagpapantasyahan ko ngayon habang nilalaro ko itong sampalok sa bibig ko? Sa sobrang hot ng lalaking iyon, para na akong nawawala sa sarili ko.


Habang dumadampi ang sampalok sa mga labi ko, habang nilalaro ito ay siya pa rin ang nasa isip ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at nai-imagine kong hinahalikan niya ako. Ini-imagine ko palang para na akong mabubuang.


Hinahalikan? Teka bakit ganun ang iniisip ko? Baliw na yata talaga ako.


"Nababaliw na nga ako..." nakalabi kong tinitigan ang sampalok at kinausap na para bang may buhay ito. "Sino ba talaga siya, ha? Bakit ganito ang epekto niya sa akin? Bakit gusto kong i-kiss niya ako?" Hindi sumagot ang sampalok kaya isinubo ko na lang ito at sinipsip.


"Rosenda bangon na dyan, aba!" katok ni Mama sa pinto na agad nakapagpabangon sa akin. Bitin!


"A-andyan na po!" binuksan ko ang pinto.


Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang nakalahad na palad ni Mama. "Ang sweldo, nasaan na?"


Napapakamot na lang ako sa ulo habang kinukuha sa bag ko ang hinihingi niya. Buo kong ibinigay ang sweldo ko sa kanya.


"Mama, saan po kayo pupunta?"


"E, di mamasyal." Sagot ni Mama na sa pera nakatingin at hindi sa akin. Binibilang niya kung tama ba ang inabot ko sa kanya.


Sa likod ni Mama ay sina Amang na hinihintay siya. Si Amang ay pormang-porma sa suot na polong makulay, si Ruby ay naka-ismid habang inaayos ang kinulot nitong buhok, ang seksi ng kapatid ko sa suot na bagong bestida. Si Dangdang naman ay malungkot na nakatingin sa akin, maayos din ang suot nito, naka-jumper at naka-headband pa.


Nang tingnan ako ni Mama ay wala akong makitang anumang emosyon sa mga mata niya. "O paano, Rosenda, ikaw na ang bahala rito sa bahay. Bantayan mo 'yong tindahan natin tutal naka-day off ka naman ngayon." Pagkasabi niya no'n ay tinalikuran na niya ako.

Babysitting the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon