Kabanata 38

706K 22.4K 6.9K
                                    

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 38

NANINIGAS ANG AKING katawan ngunit nararamdaman ko ang braso ni Merdie na nakasampay sa aking balikat. Alam ko, malalaman na ni Jumbo ang totoo. At ano ang kasunod na mangyayari? Magagalit sa akin si Jumbo dahil iisipin niyang pinabayaan ko siya noon? Pwede ring hindi siya maniwala at mapagkamalan niya pa akong oportunista. O pagtatawanan niya ako at pandidirihan dahil kahit kailan ay wala naman talaga siyang pakialam sa akin at sa nakaraan. Sa dami ng nangyari ay hindi na ako sigurado kung ano ang kakahinatnan kapag nalaman niya na ako ang dati niyang babysitter. Basta ang alam ko lang, ayoko nang malaman niya.

Nagsalita muli si Merdie na ikinagulat ko. "Siya 'yung winner ng Black Ticket, 'di ba? Si Rosenda Castillo?" ani Merdie sabay lingon sa akin. "Kaya ko siya nakilala ay dahil don, Sir T. Pero ngayon palang talaga kami nagkitang dalawa."

Bakit hindi niya sinabi ang totoo?

"Akala ko kasi na-cancel, Sir T." Balik siya nang baling kay Jumbo. "Buti nagkita ulit kayo. Buti't naalala niyo siya. 'Di ba makakalimutin ka, Sir?"

Ano'ng nangyayari? Bakit parang pinagtatakpan niya rin ako?

Samantalang walang pagbabago sa mukha ni Terrence. Wala lang siyang imik bagama't prente pa rin siyang nakatayo sa harapan namin at nakatitig lang sa akin. At kung bakit tagaktak ang aking pawis ay dahil iba na siya makatingin. Malalim ang kahulugan ng mga mata niyang iyon kung pakasusuriin. 'Yung tipong parang may naglalaro sa kanyang isip ngunit ayaw niya lang sabihin.

Hindi siya ganoon kalapit sa akin ngunit may nararamdaman akong mainit na temperatura mula sa kanya. At base sa kulay tsokolate niyang mga mata ay pihadong nagdudududa na siya.

Napayuko siya makalipas ang isang minuto. Ito rin ang dahilan kung bakit nakahinga ako. Inangat niya ang ang kanyang cellphone mula sa sariling bulsa at nagtipa. May kinausap siya saglit at mayamaya lang ay bumukas ang pintuan sa aking likuran. Iniluwa no'n ang mga unipormadong babae na hindi ko mabibilang sa daliri. Bawat isa sa kanila ay may hawak na iba't ibang disenyo at kulay ng mga damit pambabae.

Lumapit si Jumbo sa mga nakalahad na dress at walang-tingin siyang dumampot doon.

Habang ginagawa niya iyon ay bumulong sa akin si Merdie. "Don't worry, hija, ipinadala ako rito ni Madam Aria."

Sabi ko na nga ba't kasabwat siya ni Aria Montemayor Saavedra. Siguradong alam niya ang plot ng kwento ko. Hindi ako nagpahalata sa sinabi niya sa akin. Napasentido lang ako nang iabot sa akin ni Jumbo ang damit na napili niya nang walang-tingin. Kulay asul ito na tube ang style at may karugtong na palda. Ito yata ang pinakamaiksi sa lahat ng dress na naroon.

"H-hindi ako nagsusuot ng ganyan," angal ko.

Bahagya siyang yumuko at bumulong sa punong tainga ko. "Huwag kang mag-inarte dahil hindi ka kagandahan."

Aba't! Ang yabang talaga ng hinayupak na 'to!

Si Merdie ang kumuha ng damit at hinawakan niya ako sa kamay upang hilahin sana. Pero agad din siyang natigilan nang magsalita si Jumbo sa kanya. "Let's go for a walk, Merdie." Umayos ng tayo ang lalaki bago pumamulsa. "We need to talk."

Naramdaman kong biglang nanlamig ang mga palad ni Merdie nang kunin ko sa kanya ang dress. Nang mapatingin siya sa akin ay nakita kong namumutla ang kanyang mga labi.

"I'm giving you only an hour, douchegirl." Pagkasabi'y hinila na niya si Merdie sa kwelyo palabas. Animong butiking piniga ang hitsura ng babae habang bitbit niya ito.

Patakbo kong tinungo ang shower room at mabilis na naghubad. Bagama't tatlong araw akong hindi nakapaligo ay minadali ko ito at agad ibinihis ang damit nang makatapos. Humarap ako sa salamin at ganoon na lang ang pagkulat ko sa aking hitsura. Ano bang klaseng damit ito? Pakiramdam ko ay nakahubad ako?

Babysitting the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon