Kabanata 23

715K 21.2K 3.1K
                                        


Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 23


NAPAHALUKIPKIP AKO HABANG pinagmamasdang tulog si Jumbo na tatlong hakbang lamang ang layo sa akin. Napakahimbing ng kanyang tulog sa kabila ng ilang benda at gasa niya sa katawan. Nagkaroon kasi siya ng ilang mga minor burn injury sa kanyang braso at tagiliran nang pumasok siya sa nagliliyab na bahay nila Mama mahigit isang linggo na ang nakakaraan.


Paano niya naisip na basain ang katawan niya sa loob ng nasusunog na bahay? Paano niya naisip na maglagay ng basang tuwalya na takip sa kanila ni Ruby? At paano niya rin naisip na sagipin si Ruby? Maraming tanong sa isip ko pero balewala na iyon ngayon dahil ang mas importante ay ligtas sila.


Napangiti ako habang minamasdan ang pagtulog niya. Sa sobrang sarap ng kanyang tulog ay di niya alintana ang nakadantay na si Dangdang sa kanyang katawan. Sa kanyang leeg naman ay naroon si Bayug na kung gaano kahimbing ang tulog ni Dangdang ay ganoon din ito. Dito muna sila tumuloy sa inuupahan ko habang ipinapagawa pa ang bahay na nasunog. Maigi na lang at sadyang generous ang foreigner na amo ni Amang na si Lucas ito ang pansamantalang sumagot ng pagpapagawa ng bahay. Pinautang rin nito si Amang ng pera para makapagsimula muli. At dahil may kalayuan kami sa mga kapitbahay, wala kaming masyadong naperwisyo nong nagkasunog. At si Lucas na rin ang sumagot sa ilang technicalities.

Amo na ni Amang si Lucas dahil kinuha na nito ang stepfather ko na tagalinis doon sa sabungan. Nakakatuwa lang dahil generous ang Kano. Nagpadala pa nga ito ng mga hallowblocks para pandagdag sa pagpapaayos sa bahay namin na nasunog.


Biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Ruby.


"Goodmorning, Ate Rosenda," nakangiting bungad niya sa akin. May bitbit siyang plato na may lamang sandwich na ang palaman ay peanut butter.

Hindi pa ako agad nakapag-react dahil natulala pa ako ng ilang minuto. Ang sarap pala kasi sa pakiramdam na marinig si Ruby na tawagin akong ate nang hindi pasigaw at hindi siya nakasimangot.


Bumaling siya kila Jumbo na malalim pa rin ang pagtulog. "Gising na! Kakain na tayo!"

Dali-dali namang nagsibangunan ang tatlo nang makarinig ng pagkain. Sa mga dala ni Ruby sila agad dumeretso. At nang madakot ni Jumbo ang mga sandwiches ay agad niyang kinasalo si Bayug na para bang tao lang din ito. Si Dangdang naman ay pupungas-pungas pa habang ngumunguya.


Nilapitan ni Ruby si Jumbo. "Jumbo, gusto mo bang sa amin mag-Pasko? Tapos na ang kalahati ng bahay namin, kaya mamayang Noche Buena ay doon na kami. May handa na kaunti kasi pinabale ulit si Amang ng amo niya sa sabungan. Magpa-pansit si Mama, tapos sabi niya ay gagawa rin siya ng tuna sandwich. Ano, gusto mo ba iyon, Jumbo? Sama ka sa amin pag-uwi mamaya sa bahay namin?"


"Jumbo..." tugon lang ni Jumbo sa kanya habang abala ito sa pagkain.

Bigla tuloy akong nalungkot. Mabuti pa si Jumbo ay imbitado nila. Paano naman kaya ako? Maiiwan ako rito mag-isa sa apartment ko mamayang Noche Buena? Wala na nga akong handa, wala pang kasama...


Ayoko na rin namang magreklamo pa. Dapat maging masaya na lang ako na hindi na kaswal na akong pakiharapan nina Mama. Okay na siguro iyon. Kahit hindi pa rin nila ako pinapansin, at least hindi na sila galit sa akin.

Babysitting the BillionaireMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon