Kabanata 3
"Pabili!!!"
NAPABALIKWAS ako ng bangon mula sa pagkakatulog. May bumibili. Pesteng Pektong 'to! Malamang ay siya na naman itong bumibili. Kahit kailan talaga, istorbo ang ungas na 'to!
Tinungo ko ang tindahan namin. "Ano na naman, Pektong?" nakasimangot kong tanong sa kanya.
"Bakit ba ke-aga-aga eh - ang ganda mo?"
Napairap ako. Parang alam ko na eh. Mukhang mangungutang na naman ito. "Anong uutangin mo?"
"Pwede ba kong mangutang ng - pagmamahal..." nagpapa-cute pa si gago.
Ibang klase talaga bumanat ang kumag, ang korni! Ilang taon na bang nanliligaw itong si Pektong sa akin? Kumo't sya ang siga sa lugar namin ay sya lang din ang nakakalapit sa akin nang ganito sa kabila ng maliit nyang pangangatawan. Kataka-taka ngang bossing ito ng mga tambay dito sa amin eh.
"Ano, Rosenda? Namangha ka ba sa banat ko?"
Kumindat pa oh!
Napahalukipkip ako. "Bayug." Pabulong lang iyon ngunit narinig pa rin ng aso ko. Namataan ko na lang na hagad-hagad na nito si Pektong na kandarapa sa pagtakbo.
Napapailing na lang ako. Pero napalis iyon nang may maalala ako.
Naalala ko bigla si - Jumbo!
Naigupo pala ako ng antok dahil sa sarap ng yakap nya sa akin kagabi. Pero nasaan na kaya sya? Hindi ko napansin na nasa kwarto ko pa rin sya.
Ganun na lamang ang kaba ko kaya't patakbo akong bumalik sa kwarto. Baka makita sya nila Amang at siguradong yari ako. Malas nga lang at nakasalubong ko pa si Mama.
"Oh Rosenda? Bakit narito ka pa? Di ba may pasok ka?"
Tagaktak ang pawis ko. "Ah eh... m-masama po kasi pakiramdam ko..." pagdadahilan ko na lang.
"Aba eh, gawan mo ng paraan 'yan. Baka problemahin ka pa namin." Pagkatapos ay nawala na sya sa aking paninign.
Hindi ko na iniinda iyon, sanay naman na ako. Alangan namang mag-alala sila kung may sakit nga ako. Ano ako, si Ruby?
Balik ako sa paghahanap kay Jumbo. Pagpasok ko sa kwarto ko, hinanap ko sya sa lahat ng sulok. Wala. Hindi ko rin sya makita sa kusina at sala.
"Rosenda, akala ko ba may sakit ka? Eh bakit ang gaslaw mo?" sita sa akin ni Mama nang makasalubong ko muli sya.
"Ah eh... may hihnahanap po kasi ako." napansin kong nakabihis sya. "Aalis po kayo?"
BINABASA MO ANG
Babysitting the Billionaire
RomanceRosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides to take him in, babysit him, and eventually falls in love when him. She then finds out that he is wa...