Kabanata 10
"ROSENDA!"
Napapiksi ako sa pagsigaw ni Maximus. Kanina nya pa pala ako tinatawag.
"Rosenda, ano bang nangyayari sa'yo? Kahapon ka pa wala sa sarili." Sermon sa akin ni Maximus habang inaayos nya ang mga produktong ipo-promote namin.
Hindi ko sya kinibo. Pinili ko na lang na manahimik.
Nanlaki ang mga mata nya nang mapatingin sya sa bintana. "Si Jumbo oh, nasa labas!"
"Asan?!" mabilis ko iyong nilingon. Pero wala naman akong Jumbo na nakikita ron. Yamot na titig ang ipinukol ko sa kanya.
"See? Eh di si Jumbo pala ang dahilan, bakit hindi mo pa sabihin sa'kin, tungkabin ko yang mata mo dyan eh!" humalukipkip pa sya habang pinandidilatan ako.
"Nag-aalala lang ako dun sa tao." Matamlay kong tugon.
"Really? Or maybe you mess him."
Baka miss, hindi mess. Saka ko na sya babarahin. Baka ma-offend. Inabala ko na lang ang sarili ko sa paggawa ng report namin.
Narinig kong napabuntong-hininga sya. "Sorry, Rosenda. Kung pwede ko lang syang itira sa amin pansamantala ay ginawa ko na. Kaya lang, kilala mo naman si Luisito."
Si Luisito ay iyong bansot nyang boyfriend. Ka-live in partner nya rin ito at alam kong sobrang possesive nito sa kanya. Sigurado akong pagseselosan din nito si Jumbo kapag nakita nya ito. Pero kilala ko si Maximus. Hangga't kaya nya akong tulungan ay tutulungan nya ako. Nilapitan ko sya at saka niyakap.
"Paano si Paolo? Sa susunod na linggo na iyong birthday party nya." tanong nya sa akin nang nagkalas kami.
Si Paolo? Ugh. Akalain ko nga naman. In two days nakalimutan ko ang mokong na yun. Kamuntik ko ng makalimutan ang birthday party nya. O marahil nakalikdaan ko na pati kasi sya. Wala kasing ibang laman ang isip ko nitong nakaraang araw kundi si Jumbo.
"Rosenda, ano? Pupunta ba tayo?" untag sa akin ni Maximus.
Tinanguan ko sya. "Oo. Pupunta tayo."
..
MINABUTI KO NA lang lakarin ang papasok sa lugar namin pagbaba ko ng jeep. Gusto ko rin kasing magmuni-muni. Sa totoo lang kasi, hindi ko maintindihan ang aking sarili. Bakit ba ako nagkakaganito simula nang mawala si Jumbo sa akin? Nami-miss ko ba sya o nagi-guilty lang ako dahil iniwan ko sya sa park? Grrrrrr! Bakit ba sya na lang ang laging laman ng isipan ko?
Kailangan kong mag-isip ng kakaibang bagay. Katulad ng – ano ba? Hayun! Tulad nitong baon kong sandwich!
Damn! Very good, Rosenda. Ang sandwich ay hindi related kay Jumbo. Never! Anyway, speaking of sandwich. May naalala ako.
BINABASA MO ANG
Babysitting the Billionaire
RomanceRosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides to take him in, babysit him, and eventually falls in love when him. She then finds out that he is wa...