Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)
Kabanata 13
NAGMAHAL ako ng isang lalaking wala sa tamang pag-iisip, pero kahit ganoon ang lalaking minahal ko, hindi niya ako iniwan. Kahit pa minsan ko na siyang tinalikuran, hindi pa rin siya umalis. Hinintay niya na bumalik ako. Pero ang sarili kong pamilya? Umpisa palang, ayaw na nila sa akin. Bakit? Dahil anak ako sa labas. Anak ng manyakis na gumahasa sa nanay ko. At kahit anong gawin kong kayod at sakripisyo, hindi na yata nila ako mamahalin.
Ang nakababata kong kapatid na si Ruby, iginagapang ko para makatapos ng kolehiyo. Pero nagpabuntis at balita ko, nag-drop sa eskwela. Inuna ang pag-aasawa. At sa huli, ako pa rin ang masama.
Mabuti na lang at meron akong Jumbo. Kung hindi, baka tuluyan na akong nasiraan ng ulo. Mabuti na lang din at meron akong matalik na kaibigang juding, si Maxine. Sa kanya ako tumuloy simula nung araw na pinili ko si Jumbo at iniwan ko ang pamilya ko. Hindi nga maipinta ang pagkagulat ng bakla nung sinabi ko sa kanyang di ko na keri, I quit na! Di na keribels ng ganda ko ang stress at pasakit na ibinibigay sa akin ng sarili kong pamilya.
Ilang araw akong hindi nagsalita tungkol sa desisyon kong umalis na sa bahay namin at inirespeto naman 'yun ni Maxine. Hindi siya nagtanong, basta pinatuloy niya lang kami ni Jumbo at kinumbinsi ang jowa niya na pansamantala kaming patuluyin sa apartment nila. 'Yun ang gusto ko kay Maxine, nagkakaintindihan kami. Pero hindi naman kami pwedeng tumagal dito ni Jumbo, kaya napagdesisyunan kong sabihin na sa kanya ang totoo bago kami umalis at humanap ng sarili naming mauupahan.
"Are you out of your mine, Rosenda???" kunyari'y galit na sabi ni Maxine pero sa huli'y natatawa rin naman. Kung dahil ba sa mali-maling grammar nya o dahil sa wakas natauhan na ako, hindi ko alam.
"Gaga, are you out of your mind 'yon!" sita ko.
Humalukipkip si Maxine at umirap. Umupo siya sa pagitan namin ni Jumbo at nagpatuloy sa pag-uusisa kung anong nangyari sa akin at sa pamilya ko. "Anesh ang pumasok sa isip mo at ipinagpalit mo ang lahat para lang dito—" saglit siyang tumigil sa pagsasalita at tumingin kay Jumbo mula abs hanggang mukha sabay kagat ng labi. "Dito sa...sa abs na nagkatawang tao na ito? Hay, kung ako man ang nasa posisyon mo, ganoon din gagawin ko..." anito sabay hagikhik na may kasama pang paghampas sa braso ko.
Umirap ako sa kanya sabay buntong hininga.Tiningnan ko rin si Jumbo. Inosente siyang nakamasid lang habang suot ang hapit na puting damit at grey na jogging pants na hiniram lang namin sa boyfriend ni Maxine. Pinaliguan ko rin siya at nagpatulong kay Maxine na ahitin ang bigote niya. Simula nang iwan ko siya sa park, tinubuan na siya ng bigote at medyo humaba rin ang kanyang buhok. Bagay naman sa kanya."Pero alam mo, Maxine, sa totoo lang, napapagod na ako. Kahit kasi anong gawin ko, anak pa rin ako sa labas. Pagod na akong ipagsiksikan ang sarili ko sa kanila. Siguro naman sapat na 'yung mga nagawa ko para sa kanila. Sa ngayon, ang kaligayahan ko na muna ang iintindihin ko. Matagal ko 'yung ipinagdamot sa sarili ko e. Gusto kong maging masaya, sa piling ng lalaking..."
Natigilan ako sa pagsasalita. Napansin ko kasing hindi naman na pala nakikinig si Maxine at nakaangat na 'yung t-shirt ni Jumbo. Hayun at sinisilip nito ang abs ni Jumbo! Hay naku naman talaga, oo!
"Maxine!" sita ko sa kanya. "'Wag mo ngang molestiyahin 'yan!"Bigla namang nagulantang ang bakla at dali-dali humarap sa akin na naka-peace sign. "O siya, siya. Makinig ka sa sasabihin ko, bruha ka!" anito sabay tapik pa sa hita ko. "Sa tingin ko, hindi naman ipinanganak na ganitey si Jumbo natin."
Natin talaga? Gusto ko pa sana siyang sitahin pero hinayaan ko na lang.
"I think, dati naman siyang okay. Naaksidente siguro siya at nagkaroon ng matinding brain damage. Or he suffered from emotional breaking down kaya siya nagkaganyan," pagpapatuloy nito na animo'y eksperto sa mga pinagsasabi.
BINABASA MO ANG
Babysitting the Billionaire
RomanceRosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides to take him in, babysit him, and eventually falls in love when him. She then finds out that he is wa...