Kabanata 44

749K 24K 11.9K
                                    

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 44

TOTOO BA ITONG nakikita ko? Si Jumbo ba talaga itong nasa harapan ko? Prente siyang nakatayo ilang hakbang ang layo sa akin. Nakapamulsa siya at kila Mama siya nakabaling. 

"Good evening po."

Iyon namang mga binati niya ay tigagal pa rin at wala sa sarili.

Lumapit sa akin si Jumbo na tila hindi alintana ang paligid. Hinawakan niya ako sa leeg at walang pasabi niya akong hinalikan sa aking mga labi.

Huminto ang pag-inog ng aking mundo. Damang-damang ko ang kanyang mainit na hininga. Ilang minuto ring magkahugpong ang mga labi namin.

"Happy birthday..." anas niya nang kumalas siya sa akin. Nakikita ko ang pag-iigting ng kanyang panga. "Kumusta ka?"

Hala anong isasagot ko?

Namumungay ang kanyang mga mata. "Is... everything okay?" Tumingin siya kina Mama.

Samantalang ako ay nakatingala pa rin sa kanya. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na narito talaga siya. Heto siya sa harapan ko at hinalikan ako.

Kusang umikot ang aking ulo at napatingin din ako kila Mama. Hayun sila. Tulad ko, para silang naitulos sa kanilang kinatatayuan.

Humakbang si Jumbo at lumapit kay Mama. Kinuha nito ang kamay ng ginang at inilagay sa noo. 

"Mano po..."

Si Mama naman at parang walang buhay na nakatitig lang sa kay Jumbo.

Ganoon din ang ginawa niya nang kay Amang naman siya lumapit. "Good evening, Sir... mano po..."

At tulad ni Mama, si Amang din ay tila rin na-estatwa na nakatulala lang sa kanya.

Akalain mo, kahit pala arogante at dominante ang isang ito ay magalang pa rin kahit papaano?

Pagkuwan ay hinilot niya ang kanyang leeg na para bang nangalay ito. "Can I crash here for tonight? May jetlag po kasi ako at baka hindi ko na po makayanan na makauwi."

Hindi pwede! Baka mamaya ay makita niya si baby Quiro at may mapagtanto siya. Isa pa, baka manariwa ang ala-ala niya sa lugar na ito. Umapila ko sa gusto niya. "S-sa Manila ka lang naman galing, 'di ba? P-paano ka nagkaroon ng jetlag?"

Napayuko siya. Mukhang kawawa, o nagpapa-awa?

Hindi yata napigilang sumabat ni Ruby na nasa likuran ko lang. "A-ate... nagkaroon siya ng live concert kanina sa Paris. S-sigurado akong galing pa siya sa bansang iyon at dito siya dumeretso..."

Seriously?!

Nang mapatingin ako kay Dangdang na katabi lang ni Ruby, sunud-sunod lang itong napatango.

Napakagat-labi akong napatingin muli kay Jumbo. Nakayuko pa rin siya na para bang naghihintay nang ihahatol sa kanya.

Umabante si Mama at siya na ang tumugon. "D-dito ka na matulog, hijo..." ngunit ang mga mata niya ay nakabaling sa akin. "M-maluwag naman ang kuwarto ni Rosenda..."

Naman si Mama, oh! Wag naman ganun! Umiiwas na nga ako tapos ipu-push pa nila ako dun sa tao!

"O-okay lang naman di ba, Rosenda?"

"Shige..." Ay ano ba iyon, bakit ako pumayag?!

"K-kumain ka na ba?" si Amang naman ang nagtanong habang tagaktaka ng pawis nito.

"Hindi pa nga po. Pwede na rin po bang makikain?"

Nagkatinginan muna sila ni Mama bago niya iginiya paupo ang lalaki. "U-umupo ka muna dyan at ipaghahanda ka namin..." halos magkauntugan pa ang mag-asawa na di malaman ang gagawin.

Babysitting the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon