Kabanata 15
Napapitlag ako nang yakapin ako ni Jumbo habang nakahiga kami sa katre. Ilang minuto na pala akong tulala, akala ko tulog na si Jumbo, hindi pa pala. Heto't nakamasid siya sa akin na tila ba nag-aalala. Hindi kasi mawala sa isip ko ang pagsulpot ni Mama kanina. Ang buong akala ko, kahit papaano ay kukumbinsihin niya akong bumalik na sa bahay, na aamin siya sa pagkukulang niya sa akin bilang ina. Pero pinuntahan niya ako sa apartment namin ni Jumbo para lang sampalin ako. Bakit ko raw kasama si Jumbo? Live-in na raw ba kami? Mas pinili ko raw ba ang lalaking ito kaysa sa kanila na kadugo ko? Anong klaseng babae raw ako? Malandi raw ako. Malandi ako dahil sumama ako sa isang lalaki na wala sa tamang pag-iisip. Malandi raw ako dahil mas pinili ko ang lalaking ito kaysa sa kanila. Puro kahihiyan lang daw ang ibinibigay ko sa kanila. Sana raw hindi na lang niya ako binuhay.
Napatigagal ako sa pagkakasampal sa akin ni Mama at sa masasakit niyang mga sinabi. Hindi ako makatulog sa mga tanong. Alam kong galit na galit sa akin si Mama. Pero kanina, namamasa ang kanyang mga mata. Nasaktan ko ba siya sa pag-alis ko? Nangungulila ba siya? Galit ba siya dahil mahal niya rin ako?
Ang hirap. Mahal ko pa rin si Mama, kaya ako nasasaktan nang ganito. Umiiyak ako habang nakasiksik sa yakap ni Jumbo. Hinahaplos naman niya ang likod ko. At dahil doon, kahit paano ay gumagaan ang mabigat na loob ko. Sa pagod din sa pag-iyak, sandali lang ay iginupo na ako ng antok.
...
NAPABALIKWAS AKO NG BANGON.
Nang kapain ko sa ilalim ng aking unan ang cellphone ko para tingnan ang oras, dali-dali akong napabalikwas. Pasado alas otso na kasi at wala rin sa tabi ko si Jumbo. Pinasadahan ko ng tingin ang maliit naming kwarto at ganun na lang ang pagkagulat ko nang makita ko siyang lumabas ng banyo. E sino ba namang hindi? Nakatapis lang ang lolo mo hanggang dibdib at muntik pa akong mapabungisngis dahil may nakabalot rin na tuwalya sa buhok niya.
"Jumbo," anito na para bang binabati niya ako ng isang magandang umaga.
"Good morning, Jumbo," sabi ko habang pupungas-pungas pa pero agad din akong natigilan nang may ma-realize ako. Naligo si Jumbo? Naligo siya nang mag-isa at nakatapis pa? Kaya na niya?
May kakaibang kaba na naman akong naramdaman pero hindi ko na pinansin iyon. Niligpit ko na lang ang higaan namin at nilapitan ko siya. Hinawakan ko 'yung tuwalyang nakabalot sa katawan niya, akala mo babae.
"Jumbo," sabi niya ulit sabay turo sa akin at pagkatapos ay sa tuwalyang nakabalot sa ulo niya. Na para bang sinasabi niyang ginagaya niya lang ako. Ganitong ganito kasi ang itsura ko pag lumalabas ako ng banyo.
Umiling-iling ako. "Hindi ganyan, Jumbo." Napalunok ako bago lakas loob na hinawakan ang tuwalya sa magkabilang gilid niya. Dahan-dahan kong niluwagan iyon. "D-dito lang 'yan dapat," sabi ko habang ibinababa ang tuwalya sa baywang niya.
Parang biglang nag-init naman ang pisngi ko nang tumambad sa akin ang abs niya at...ano ito? Merong sumasaludo sa ibaba ni Jumbo. Nang mag-angat ako ng tingin, nagbabaga na naman ang tingin niya sa akin. Natigil lang iyon nang marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Nawala kami sa momentum ni Jumbo. Tinapik-tapik ko na lang ang pisngi ko bago sinagot ang tawag.
BINABASA MO ANG
Babysitting the Billionaire
RomansaRosenda crosses paths with a hot stranger who's suffering from some mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides to take him in, babysit him, and eventually falls in love with him. She then finds out that he is way out o...
