Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)
Kabanata 17
MAINGAY. Magulo. Maraming tao. Ganoon ang inaasahan ko sa party ni Paolo. Kilala ko ang ex ko. Mahilig siya sa maingay na tugtugin, sa bumabahang alak. In short, mahilig mag-bar. Kaya inaasahan ko na ganoon ang party na dadatnan ko, pero nagkamali ako. Dahil pagpasok namin sa loob nito ay kabaligtaran sa lahat ng nasa isip ko. Pakiramdam ko ay lulubog ako sa aking kinatatayuan anumang oras. Shet naman kasi, formal event!
Bahagya akong kinabig ni Maxine. "Sabi ko na sa'yo, girl. Magpalit ka ng damit mo, eh!"
Taas-noo pa rin ako at nanindigan sa kanya kahit na natatanaw ko nang naka-formal gown ang halos lahat ng mga bisitang babae ni Paolo. "Okay lang. Gusto ko lang namang i-greet si Paolo. Uuwi rin kami agad ni Jumbo. Di ba, Jumbo?"
Ngumiti naman siya sa akin at tumango-tango. "Jumbo."
Pero sa totoo lang, no, medyo ikinahihiya ko na ngayon itong suot ko. Mukha akong tanga dito. Bihis na bihis pa man din ang mga kasama ko, maliban samin ni Luisito.
Maraming tao sa party ni Paolo pero pormal na pormal ang theme nito. Pang-alta ang setup ng tables, may buffet ng cheese at wine sa gilid, may fairy lights, at may ilaw rin sa ilalim ng pool. Bukod sa usapan ng mga taong halos lahat ay nakahawak sa kanya-kanyang kopita at naka-formal attire, wala na akong ibang naririnig kundi ang nakakaantok na tunog ng violin.
Pero ang panliliit na aking nararamdaman ay nawala nang hawakan ni Jumbo ang aking kamay. Para bang sinasabi niya sa akin na wala akong dapat ikahiya basta magkasama kami. Nang muli akong tumingin sa paligid, noon ko lang na-realize na halos lahat ng bisita ni Paolo ay nakatingin sa amin. Hindi, hindi sa amin, kundi kay Jumbo!
Agaw pansin naman talaga si Jumbo. Sa tangkad at tindig pa lang niya, lamang na lamang na e. Sige lang. Kainggitan niyo ako, madlang people! sa isip-isip ko dahil panay ang tingin ng mga bisita ni Paolo sa kanya e.
Dalang dala ako ng emosyon ko, hindi ko tuloy namalayan na may babaeng lumapit sa amin. Maganda, naka-red sexy gown, at may mapang-akit na ngiti. Sinukat muna ako ng tingin bago bumaling kay Jumbo. "Hi there, handsome."
Bigla tuloy bumalik 'yung pagkailang na naramdaman ko kanina lalo na nang makilala ko kung sino siya. Siya pala ang nakatatandang kapatid na babae ni Paolo. Siya si Mina. Tutol siya sa akin noong kami pa ni Paolo. Kasi nga naman dahil mahirap lang ako para sa kanyang kapatid.
"I'm Mina," malambing na pakilala niya Jumbo sabay lahad ng kamay para makipag-handshake.
"Papaya," biglang sabi ni Jumbo habang sapo-sapo ang dibdib ng kapatid ni Paolo.
Napasinghap si Mina pati na sina Maxine at Luisito na nasa likuran namin. Dali-dali kong binawi ang kamay ni Jumbo at humingi ng pasensya kay Mina.
"Pasensya ka na, Mina," sabi ko nang pumagitna ako sa kanilang dalawa. Hinawakan naman nina Maxine at Luisito si Jumbo sa magkabilang balikat nito para ilayo kay Mina. Napakaganda pa naman ni Mina ngayong gabi pero nagusot ang mukha niya dahil siguro dinakot nga ni Jumbo ang kanyang – ehem, papaya.
"Rosenda Castillo, is that you?" Saka lang tumingin sa akin si Mina. Akala mo naman ay hindi ako kanina pa nakita.
BINABASA MO ANG
Babysitting the Billionaire
RomanceRosenda crosses paths with a hot stranger who's suffering from some mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides to take him in, babysit him, and eventually falls in love with him. She then finds out that he is way out o...
