Kabanata 46
ANO BA ITO? Ang sakit ng mga kasu-kasuan ko? At saka ano ba itong malambot na nakadagan sa akin? Ganoon na lamang ang galit sa puso ko nang makitang unan itong bagay na nakapatong sa akin. Hinagis ko iyon at pinagtatadyakan nang makalapag sa sahig.
NPP should be implemented! Now!
Pagsulyap ko sa salamin na bintana ay madilim na sa labas. Gabi na pala. Ang tagal ko ring nakatulog. Paglabas ko ng kuwarto ay nakita ko na may nakatakip na pagkain sa mesa. Nang lapitan ko at buksan ang takip ay naglaway agad ako. Tatlong putahe ito. Steak na may side dish na Alfredo pasta, baked salmon, at lamb chops. May mga prutas din at maliit na cake para sa dessert. Naka-arrange pa iyon sa mesa kaya mas nakakatakam.
May note sa gilid ng baso. Ang nakasulat: Eat.
Eat daw e di eat! Nilantakan ko agad ang mga pagkain. Ang sasarap. Doble ang sarap sa panlasa ko dahil sa pagod na pagod ako. Nakailang rounds kasi kami kanina ni Jumbo. Para tuloy akong ginutom. Pagkakain ko ay napadighay ako. Grabe, ngayon lang yata ako kumain nang ganito karami.
Pagkapunas ko ng table napkin sa aking bibig ay nagpahinga-pahinga muna ako. Nang di na ako busog na busog ay iniligpit ko ang aking pinagkainan. Hinugasan ko roon sa magandang lababo nitong suite. Bumalik ako sa kuwarto para iligpit ang hinigaan namin ni Jumbo.
Hindi pa rin bumabalik si Jumbo kaya sinamantala ko na. Pumasok ako sa banyo para maligo. Nanlalagkit kasi ako. Sino ba hindi? Dilaan kaya buong katawan mo, di ka manlalagkit? Hindi naman ako nagrereklamo. Nagkukuwento lang.
Pagkatapos mag-shower ay suot ang roba na pinuntahan ko ang aking malaking bag para lang magulat dahil wala ang aking mga damit dito. Ang nakikita ko rito ay mga magagandang damit na halatang mga bago pa. Saan galing ang mga ito? Bakit nasa bag ko? Karamihan sa style ay pa-dress. May kahabaan pero di naman sobrang haba. Parang doll dress. Elegante. At halatang hindi mumurahin. Pati mga undergarments ay mga bago pa at naka-sealed for hygiene.
Nang makita ko sa ibabaw ng malaking stainless na trashcan ang mga nakatambak na nilukot na paper bag ng mga luxury brand ay alam ko na kung sino ang salarin.
Pumili na lang muna ako ng susuutin. Isang green pastel color na dress na two inches above the knee ang aking pinili. Sleeveless ito pero di pa-spaghetti. Mataas din ang neckline na kulang na lang ay maging turtle neck. Silk ang tela nito, malambot, presko. Simple lang ang dating pero elegante. Parang magsya-shopping ang itsura. Pero iyong pagsa-shopping-an ay sa Hong Kong pa o Japan.
May mga sandals din ito. Tatlong piraso na puro flats. Pinili ko iyong kulay black na Chanel. Nakonsensiya pa nga ako kasi Chanel iyan tapos tatapakan ko lang!
Ang buhok ko naman ay tinirintas ko lang nang isa patalikod. Medyo messy, may mga lawit pang mga hibla lalo sa gilid ng aking mukha. Hinayaan ko na lang na ganoon. Meron din ditong mga cosmetics, pero sunscreen at lip tint lang ang kinuha ko. Naglagay ako sa mukha ng sunscreen at manipis na lip tint sa labi.
Kung kailan nakabilis at ready na ako na lumabas, saka ko nakita ang mga damit ko na inalis sa aking bag. Naka-paper bag pala iyon sa gilid ng kuwarto. Maayos naman na nakatupi, pero mukhang hindi bet ni Jumbo. Okay, pagbigyan. Speaking of that man, nasaan na ba siya? Anong oras kaya siya nagising?
BINABASA MO ANG
Babysitting the Billionaire
RomanceRosenda crosses paths with a hot stranger who's suffering from some mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides to take him in, babysit him, and eventually falls in love with him. She then finds out that he is way out o...
