Kabanata 5

922K 25.1K 6.6K
                                    

Kabanata 5

"HOY ROSENDA! BAKIT tulaley ka na naman dyan?" puna sa akin ni Maximus aka 'Maxine'. Sya yung juding kong katrabaho.


Kaibigan ko siya, as in BFF. Kahit panlalaki ang unipormeng suot niya at clean cut ang buhok niya ay naka-contour at naka-kilay siya. Sa kanya ko nga pala namana ang twenty percent kong kabaklaan. Seryoso talaga akong tao, kaso minsan, sinasaniban niya ako.


Hindi ko sya pinansin. Nakatanaw pa rin ako sa glass window kung saan abot-tanaw ko si Jumbo. Isinama ko sya dito sa building ng pinagtatrabahuhan ko ngunit iniwan ko sya sa labas. Hindi ko naman kasi sya pwedeng iwan sa bahay dahil baka makita sya nila Mama.


"Sino bang sinisilip mo dyan?" nakitingin na rin si Max. Nagbago ang mukha nya nang makita nya ang sinisilip ko. "Shocks! Ang hot naman ng fafa na 'yan. Kras mo?"


Naku! Paano ko ba ipapaliwanag sa dinosaur na ito ang lahat? "Ah eh..."


"Ah... eh...i...o...u? a,ba,ka,da,e,ga,ha?" humalukipkip  sya. "Ano na naman 'yang pinasok mong gulo, Rosenda?"


Kilalang-kilala ako ni Maximus sa tuwing magkaka-problema ako. Alam nya ang lahat ng pasikot-sikot sa buhay ko. "Mahabang kwento, Maxine..."


"Oh baka naman ayaw mo lang i-sheer sa'kin ang fafa na yan?"


I-sheer? Baka i-share? Ito ang problema ko sa kanya. Pagdating sa english – magulo sya.


May tawag daw sa ganoong sakit e. Basta.


Sumilip muli ako sa glass wall ng first floor nitong mall kung saan tanaw mula sa labas si Jumbo. Sabi ko sa kanya, wag syang aalis doon. Mukha naman masunurin siya dahil hindi nga talaga siya umaalis sa pwesto nya.


"Wala ka ba talagang balak ikwento sa'kin?" yamot ang mga matang ipinukol sa akin ni Maximus.


Nang humarap ako sa kanya, napakagat-labi ako. Mukhang wala rin akong choice. Kapatid ang turing ko kay Maximus,  at sya ang takbuhan ko kapag may problema ako. Sa huli, ikinwento ko rin sa kanya ang lahat-lahat tungkol kay Jumbo.


"Naman! Rosenda... may saltik pala ang lalaking 'yan bakit kukupkupin mo pa? Common since naman, girl!" palatak nya sa akin.


Common since? Hindi ba common sense? "Hindi ko sya pwedeng pabayaan..."


"Alam kong simpleng malandi kang babae ka... pero iba ito. Wala 'yan sa tamang pag-iisip." Tuloy sya sa pagsesermon sa akin. "Kapag nalaman 'yan ng mama mo, malilintikan ka na naman. Masasayang ang mga sakripisyo mo na matanggap ka ng family mo!"


"Eh anong gagawin ko?"


Tumingin muna si Maximus kay Jumbo at sinipat nya ito nang tingin. "Kung sa bagay. Sa'kin man mangyari yan eh maguguluhan din ako. Kung ganyan ba naman kaguwapo ang mapupulot ko sa kalsada eh baka na-shalalu ko na yan." Muli syang humarap sa akin. "Eh, paano na si Paolo?"

Babysitting the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon