Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)
Kabanata 12
SI RUBY, BUNTIS? Paano nangyari iyon? Ang alam ko ay subsob sa pag-aaral ang kapatid kong ito. Parang hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa narinig ko. Paano siya nabuntis? May boyfriend siya? Bakit 'di ko knows? Oo nga pala, 'di kami close.
Tumingin ako kay Mama nanakayakap pa rin kay Ruby at inaalo ito. Nag-ulap ang paningin ko habang nakamasid ako sa kanila. Pero sandali nga! Buntis si Ruby, kaya paano na ang pag-aaral niya? Paano na iyong mga pagsisikap ko para lang mabayaran ang tuition niya, mabigyan siya ng allowance, at makabayad siya sa kung anu-ano pang bayarin sa university? Mababalewala na baa ng lahat ng pinaghirapan ko?
Mababalewala na ba iyong pangarap ko na makatapos siya at magkaroon ng magandang buhay?!
"Wala na tayong magagawa... Nangyari na ito..." Ngayon ko lang nakitang ganito si Mama. Ngayon ko lang siya nakitaan ng ganitong emosyon, 'yung pinaghalong lungkot at pagkadismaya.
"Magiging okay rin ang lahat, 'nak..." sabi pa ni Mama kay Ruby.
Ganon na lang? Ganon-ganon na lang? Bakit napakadali sa kanila na tanggapin ang nangyari kay Ruby? Bakit hindi nila ito sinumbatan? Bakit hindi nila pinangaralan? Bakit parang inaalala pa nila ang mararamdaman nito?
Bakit ako? Bakit noong nabanggit ko palang ang tungkol sa pagbo-boyfriend noong nagtangka ako na ipagtapat sa kanila ang tungkol kay Paolo ay halos palayasin nila ako?! At bakit noong nakita nila si Jumbo ay halos itakwil nila ako?
Itakwil? Bigla akong natigilan. Parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig. Para akong nagising mula sa napakatagal na pagkakahimbing.
Matagal na nga pala akong itinakwil ni Mama. Fetus palang yata ako, nag-declare na siya na ayaw niya sa akin. Kung hindi nga lang siya takot na magpalaglag ay baka hindi ko na nasilayan ang mundong ibabaw.
Lalo pa niya akong itinakwil nang makita niya ang itsura ko, na kamukha ko iyong German na gumahasa sa kanya sa abroad. Kaya oo, matagal na niya akong itinakwil. Matagal na nila ako lahat na itinakwil. Hindi kailanman ako naging bahagi ng pamilya ito!
Para akong bulkan nanagbabadyang sumabog. 'Yung sama ng loob at pagtitiis na ilang taon kongkinimkim ay nagpatong-patong na. Parang nawawala ako sa sarili. Nilulukuban akong galit at pagkapoot sa pagiging hindi patas sa akin ng mga taong dapat aynagmamahal at umiintindi sa akin. Sawang sawa na ako. 'Yung paulit-ulit napanonood ko sa kanila habang masaya silang paalis ng bahay para mamasyal. 'Yungpagtitiis ko ng gutom sa tuwing nauubusan nila ako ng pagkain. 'Yungpaulit-ulit na pagsusumiksik ko sa pamilyang ito na walang ibang ginawa kundiabusuhin ako at tratuhin na parang g*go!
"Rosenda!!!" gulat na awat saakin ni Mama.
Pero matindi ang kapit ko sabuhok ni Ruby. Sasabunutan ko siya hanggang makalbo siya. Gusto ko siyangkaladkarin palabas ng bahay.
"Walanghiya ka! Makati!Inggrata! Nagsisikap ako, pero ito lang ang igaganti mo sa akin! Ikaw na langpalagi ang kinakampihan! Ikaw na lang palagi ang minamahal! May kasalanan ka nanga, pero ikaw pa rin ang inaalala!"
BINABASA MO ANG
Babysitting the Billionaire
RomanceRosenda crosses paths with a hot stranger who's suffering from some mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides to take him in, babysit him, and eventually falls in love with him. She then finds out that he is way out o...
