Prologue

520 8 0
                                    



Okay lang ako. Pero hindi pala.



Hindi ako okay. Pero okay lang.



"Have you ever felt useless?"



Napako ang tingin ko sa iisang direksyon habang naririnig ang isang pamilyar na boses. Wala akong ibang hinangad kundi ang tigilan at tantanan nila ako. Dahil nakakarindi. At hindi ko 'to gusto. Hindi ko ginustong marindi. Hindi ko ginustong mapunta sa ganitong sitwasyon. Walang may gusto na mabuhay ng ganito. Why does it feel like you don't even know how I feel? Are you numb? Wala ba silang pakiramdam?



Hindi ko ginustong maging isang taong walang kwenta. 



Maging masaya lang naman ang hinangad ko. I-I've been chasing for the happiness that I don't even deserve. 



At kasalanan nilang lahat 'to! Sa tuwing naririnig ko sila, ang mga salitang...



'Walang hiya ka!'



'Wala kang kwenta!'



'Sana, namatay ka na lang!' 



Anumang pilit na pigilan ang pasikretong pagluha tuwing gabi, ni hindi ko magawa, dahil alam kong sasalubungin nanaman ako ng mga ganoong klasi ng salita sa tuwing imumulat ko ang aking mga mata. 



It's them! This is all their fault! Kung pwede ko lang 'tong ilabas... pero hindiii!! Dahil kapag nilabas ko 'to, nagdradrama lang naman ako, hindi ba?! DAHIL WALA SILANG PAKIELAM SA AKIN! SILANG LAHAT! 



KAYONG LAHAT!



Ganon naman talaga kapag wala kang kwenta...



Ni wala akong interes sa kung anuman ang nangyayari sa paligid. Basta ang alam ko, napakawalang-kwenta kong tao. Kayo na yung may silbi!!! At ako na yung wala. Kayo naman palagi ang tama... hindi ba?



"Have you ever felt hopeless?"



Ginawa ko ang lahat. Lahat-lahat binigay ko, sa abot ng aking makakaya. Pero bawat galaw ko, mali. I DID THE BEST OF MY BEST EFFORTS! But who the hell in this world appreciated it? No one... because my best will never be enough. There will always be something missing, in which I am not able to fulfill... And that fulfillment, sa iba niyo nakikita, kaya mas gusto niyo sila, am I right? Kaya nagagawa niyo akong iwanan.  

The Possessed PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon