5: Evanescent

225 5 0
                                        

"A-Ano bang kailangan mo sa akin?" utal kong tanong sa kanya habang patuloy pa rin ito sa paghila sa akin sa hallway. Kitang-kita ko ang nag-aapoy nitong mga mata na tila hindi naririnig ang mga sinasabi ko lalo pa't diretso lang ang kanyang tingin. Kahit anong pilit kong pumalag mula sa pagkakahila niya ay hindi ko magawa dahil sa lakas nito.



What do I need to do para makawala ako sa kanya? And who is he exactly to undoubtedly do this to me?



H-Hindi ko na makontrol ang sarili ko sa takot. 



Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa isang kamay ko hanggang sa may mga magsilabasan na mga tao mula sa mga kwartong nadaraanan namin. Masaya pa silang nagsisitawanan at nagkwekwentuhan ngunit mabilis ring napapaatras pagkadaan namin sa mismong tapat nila lalo na kapag nakikita nila ang lalaking kasama ko. 



Katulad ng nakita kong kwarto kanina, may mga bakal ring upuan na nasa pinakagitna ng bawat kwarto at sa gilid nito ay may nakasabit na isang helmet na parang gawa rin sa bakal. May mga nakalagay ring kable doon na siyang nakakonekta sa upuan. Natatahimik na lang sila habang nakatingin sa aming dalawa. Nakikita ko rin ang pagkabigla sa kanilang mga mata sa tuwing nakikita ako. Kahit maliwanag at makukulay ang mga ilaw sa paligid ay hindi noon nagawang alisin ang panginginig na bumabalot sa akin.



"Eros, anong ibig sabihin nito?" natigilan ang lalaki sa paghila sa akin nang may humarang na isang grupo at may isang babaeng nasa pinakaharap nila na siyang nagsalita. Ngayon ay kaharap namin sila. 



Hindi naman nabago noon ang ekspresyon ng lalaking kasama ko, "Stay out of my way, Lia," pahayag niya na ikinailing ng babae. 



"No, ibigay mo siya sa amin. Kailangan na namin siyang ibalik sa taas," sabay lahad ng kamay ng babae sa akin ngunit humarang ang lalaki. 



"Didn't you hear me, Ms. Vice President? Stay, out, of, my, way," napatingin ang babae sa kanya hanggang sa ibaba nito ang kamay habang diretso pa rin ang tingin sa lalaki. 



"Don't tell me you'll put her on the seat?" hindi makapaniwalang tanong ng babae na bahagya pang natawa.



"Yes or no, you don't have to care. I'll make the decision here."



"Eros wake up! It's not yet the right time to put her there. Huwag mo siyang pilitin," dahil doon ay nagsalubong ang kilay ko. Ni hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila dahil wala akong maintindihan at wala akong alam bukod sa nararamdaman kong takot ngayon. 



"We're all having a hard time being patient to her, it only means that she needs something to comfort her. Don't you like it, Lia? Mababawasan ang problema mo kapag naging okay na siya," saad pa ng lalaki. 



Napailing naman ulit ang kausap nito. Tinignan ako ng babae at tila isa akong musmos ngayon dahil sa paraan ng pagtitig niya. Pinaraanan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya't alam kong napansin niya ang panginginig ng aking katawan, "If you can't be patient, ako kaya ko, and the team can make it. It will just make her situation worse kapag itinuloy mo ang binabalak mo. Kaya akin na siya," aktong lalapit ang babae ay hinarangan siya ulit ng lalaki. 



"Don't go against me, Lia. I'm warning you. Baka nakakalimutan mo kung sino ako sa lugar na 'to," saad pa niya. Hindi makapaniwalang napatingin si Lia sa kanya hanggang sa inilipat nito ang tingin sa akin. 



Hindi ko alam kung bakit para akong nakakaawa sa paraan ng pagtitig niya. Yet she doesn't have to care. Mas sanay ako na walang nag-aalala sa akin kundi sarili ko lang. 



The Possessed PresidentMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon