27: Atelophobia

39 3 0
                                    

- Harris -

Napagtanto ko na balak niyang pumunta sa pinakadulo para mas makita pa ang mga bituin kaya hinawakan ko ang braso niya at umiling, "Hindi ka pwedeng dumungaw. Baka may makakita sa atin dito sa rooftop," seryosong saad ko.

Kitang-kita ko ang pagkintab ng mga mata nito nang makita ang kalangitan. I might not like it but I have to stop her.

You might feel like I'm controlling your life pero ayaw ko lang na mapahamak ka... because I'm guilty. My conscience is eating me up dahil sa lahat ng kapalpakan ko as this university's president. 

Ang bahagyang ngiti sa labi niya ay tila naglaho. Pilit niyang inialis ang pagkakahawak ko sa kanya kaya binitawan ko siya, "B-Bakit mo ba ako dinala rito?"

Kung tignan niya ako ay ramdam kong isa ako sa mga taong kinamumuhian niya. And I can't blame her.

Napahakbang siya papaatras, "May balak ka nanamang ipahamak ako."

Agad akong umiling, "No, I am not— " aktong lalapit ako ay mas lumayo siya kaya natigilan ako.

Tinignan niya ang paligid at ibinalik ang tingin sa akin, "Kaya mo ba ako dito dinala ngayon dahil dito mo ako balak na patayin?"

"Wala akong balak na patayin ka, Almira."

"Nagawa mo na dba? Kaya mong gawin ulit. Ano bang kasalanan ko sa inyo?" nag-umpisa siyang manginig, "B-Bakit parati niyo na lang akong sinasaktan at pinapahirapan?" dahil doon ay naiyak na rin siya. 

"Almira, listen," aktong lalapit ako ay umiling siya. 

"Huwag mo 'kong lalapitan!" banta nito. 

I could see that she's afraid of me, and that she feels unsafe.

Can't I be trusted even once? All I know is that I'm doing my best, but no one ever noticed my effort.

I just wanna be useful.

"Look, I never attempted to kill you— "

"Sinungaling! Hindi ba ito ang gusto mo? Ang tuluyan akong mawala para wala na kayong problema sa lugar na 'to?!"

Nah, I never want to kill anyone the way I want to kill myself.

"No," pag-iling ko, "In fact, I'm just trying to help you— "

"Alin sa mga ginawa mo ang tulong sa akin?!" 

I could even see how hard it is for her to believe me. At hindi ko siya masisisi. May kakulangan din naman kasi ako. If I only believed her...

Pero bakit ba sa tuwing nagpapaliwanag ako, walang gustong makinig? Were ears just made for body decoration and not for listening?

Right. I remained frozen.

Kailan ba ako nakatulong?

When did I become useful for all of these years that I'm the president?

"Simula nang ipanganak ako sa mundong 'to," patuloy siya pagluha habang halata sa mga mata niya na masama ang loob niya sa akin. 

Kung nakakamatay ang talim ng mga tingin niya, kanina pa ako bumagsak at humandusay sa sahig. 

"Wala ng tumulong sa akin. Pakiramdam ko pinagtakluban ako ng langit at lupa. B-bakit yung iba... masaya? Bakit ako hindi? Tao lang din naman ako... k-katulad nila. Walang oras na hindi ako napahamak. Palagi na lang ako ang masama... kahit ako naman talaga ang biktima. B-Bakit kapag sila yung humihingi ng tulong, tinutulungan niyo, bakit kapag sa akin hirap na hirap kayong makinig at intindihin ako?" napayuko na lang ako. Because right at this moment, wala na akong mukha na maihaharap sa lahat. No worries, I could also feel you. 

The Possessed PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon