31: Alexithymia

63 4 0
                                        

- Yesha -

Katulad ng napag-usapan ay humiwalay na rin kami ni Jayce nang makalabas kami sa kwarto kung saan kasalukuyang nakatago si Almira ngayon. Bumaba si Jayce ng building para hanapin si Lia habang ako naman, paakyat ako ngayon para puntahan si Harris sa rooftop.

Hindi ko man alam kung bakit at paano sila nagkahiwalay ni Almira pero ang mahalaga ngayon ay makausap ko si Harris. Bukod kasi sa akin ay pinaghahahanap na rin siya ng lahat dahil sa nalaman nila tungkol kay Almira. Ayon kasi kay Alyana, kinulong ni Almira si Harris pati sina Chase, Jio at Lia, sinaktan niya rin daw si Alyana... pero hindi ganon ang nakikita namin ni Jayce ngayon.

Paniguradong may nagsisinungaling at gumagawa ng kwento. Hindi ko alam kung si Yana ba o Almira, kaya si Harris ang makakapagbigay ng sagot sa amin, pati na rin ang dahilan ng biglaan niyang pagkawala.

Dahil sa bilis ng aking paglalakad ay gumagawa ito ng ingay sa hallway. Mabilis ko rin namang narating ang hagdanan kaya agad ko 'yong tinungo. Patuloy ako sa paghakbang papaakyat hanggang sa matigilan ako sa 4th floor. Napatingin ako sa hagdan papaakyat kung nasaan ang pintuan ng rooftop. Napahawak na rin ako sa gilid dahil sa pagkahingal. Nakakapagtaka nga dahil parang hindi ako agad napapagod kahit na kanina pa ako tumatakbo.

Parang sanay na sanay ako. Hindi ko alam kung bakit.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at itinuloy ang pag-akyat hanggang sa matapatan ko ang pinto. Kasalukuyan rin akong hinihingal at pinagpapawisan. Aktong hahawakan ko ang door knob ay kusang bumukas ang pinto ng malakas. Tila ba hinugot yon ng malakas na hangin kaya sapilitang bumukas kaya sinalubong ako ng malamig na simoy nito.

Nanlaki na lamang ang aking mata at napahakbang ng isang beses paatras nang makita ko ang presidente sa aking harapan. Hindi ko alam kung bakit pero parang may iba sa kanya ngayon. Seryoso at walang buhay ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"H-Harris, nandito ka pa p-pala," utal kong saad habang nakatingin sa kanya.

Muli akong napaatras nang humakbang siya pasulong hanggang sa malagpasan nito ang pintuan. Kasabay noon ay hinawakan niya ang door knob at isinara ang pinto kaya maski ang malamig na hangin ay nawala.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero kusang tumayo ang mga balahibo ko ngayon habang kaharap siya. Eh hindi naman ganito date. Ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng ganito pero ngayon...

"Ano ng nangyayari sa baba?" seryosong tanong niya.

Kinuha ko naman ang pagkakataon para sumilip sa baba ng hagdanan para siguraduhin na walang papunta dito bago ko siya muling hinarapan, "Uhm Mr. President, hinahanap ka ng lahat, pati na rin si Almira hinahanap nila. Hindi nila maintindihan kung bakit bigla kang nawala at kung bakit itinakas mo si Almira gayong sinabi naman ni Alyana na si Almira ang dahilan ng pagkawala mo," paliwanag ko.

Sa totoo lang naguguluhan din ako kung bakit nawawala si Lia. Kung bakit biglang lumitaw yung resulta ng medical ni Almira. Kung bakit biglang nagtago si Harris at marami pang iba. Ah bastat, sobrang gulo talaga.

"So pinalabas pala ng babaeng 'yon na si Almira ang gumagawa ng masama when in fact she was the real liar all along?" hindi makapaniwalang napangiti si Harris na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Huh? What do you mean?"

Nawala ang ngiti niya at seryoso pa rin ang tingin sa akin, "I was the one who sent the real medical result of Alyana to Lia."

Wha-

"Wait!" kusa akong napaisip at tila lumipad pa ang utak ko sa sinabi ni Harris, "Tama ba ako ng dinig, mr. pres? Medical result ni Alyana?" may diing saad sa pangalan at nanlaki pa ang mga mata ko.

The Possessed PresidentMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon