33: Anecdoche

38 2 0
                                    

"Wait, what?" naguguluhang tanong ni Zelle kay Harris. Dahil na rin doon ay nag-umpisang magsibulungan ang lahat.

"Tama ba ako ng narinig?"

"Imposible yan!"

"So ibig sabihin niloloko tayo nina mama at Alyana?"

"Hindi medical result ni Almira ang nakita natin? Pero pangalan niya ang nakalagay doon dba?"

"Hindi yan magagawa ni mama sa atin!"

"Pero si Harris na mismo ang nagsabi."

"At ano naman ang rason para papaniwalain nila tayo?"

"Harris, kung anuman ang kahibangan na 'to, itigil mo na dahil hindi ako natutuwa," ang ngiti ni mama kanina ay unti-unting naglaho. Katulad ng presidente ay matatalim na tingin ang ibinabato nila sa isa't isa.

"At ako pa talaga ngayon ang palalabasin niyong masama? Bakit, dahil ba alam niyong alam ko na ang lahat?" sagot ng presidente.

"Wala kang proweba para pagbintangan kami! Dahil ang isang ina, hindi gagawa ng mga bagay na ikakasakit ng kanyang mga anak! Kaya bakit ko naman hahayaan si Alyana na magsinungaling sa inyo kung alam kong masasaktan kayo?!" natahimik ang paligid nang magtaas ng boses si mama kaya ganon din ang presidente.

"Meron akong proweba ma dahil narinig ko kayong nag-uusap ni Alyana. Isn't it sinabihan mo pa siya na ituloy ang pagpapanggap?! Kaya kumuha ako ng ebidensya at yun ang medical result ni Alyana. Lumabas doon na wala siyang sakit kaya ipinadala ko kay Lia pero anong ginawa ng babaeng yan?!" sabay duro ni Harris kay Alyana.

"Pinalitan niya ng pangalan ni Almir— "

"Hindi 'yon madaling palitan!" pagharang ni mama.

"See?" sabay harap ng presidente sa amin, "Pinagtatanggol ni mama si Alyana. Dahil magkasabwat silang dalawa umpisa pa lang."

Maski ako ay hindi makapaniwala dahil imposible ang lahat. Hindi ko alam kung sino ba ang dapat paniwalaan pero isa lang ang alam ko, hindi magsisinungaling ang presidente.

"Hindi totoo yan!" pag-iling ni Alyana habang tumutulo ang luha, "Alam nating lahat na mahal tayo ni mama kaya kung talagang nagpapanggap lang ako, dati niya pa sana ako pinarusahan. Hindi ko ba alam kung ano ang nagtulak sayo para gumawa ng kwento, Harris."

"Anong kwento ha?!" aktong lulusubin ni Harris si Yana ay mabilis siyang napigilan nina Chase at Jio. Namumula na rin ang buong mukha ng presidente na tila sasabog anumang oras.

Base sa galaw niya, parang wala na siyang kontrol sa sarili. Parang hindi siya si Harris.

"Hindi totoong nagkausap kami ni mama," sigaw pa ni Alyana sa lahat, "Kung mag-uusap man kami ay sa tuwing dumadalaw si mama sa kwarto ko pero hindi kami nagkakausap sa opisina niya. Alam naman ninyo na tanging mga pinapatawag lang ni mama ang pwede sa opisina niya dba? Kaya walang rason para ipatawag niya ako roon dahil halos ang presidente at bise lang naman ang madalas niyang ipatawag."

"Sinungaling!" aktong lulusob pa si Harris ay muling hinawakan nina Jio. Halatang hirap na hirap sila sa pagpigil sa presidente.

"Napakasinungaling mo! Pagkatapos naming ibigay sayo lahat, ganito ang igaganti mo?! Mas masahol ka pa sa demonyo— " natigilan kaming lahat nang biglaang lapitan ni mama si Harris habang nagpupumiglas ito hanggang sa dumapo ang kanyang kamay sa presidente kaya natigilan ito at napatingin sa gilid niya. Ang lakas ng pagkakasampal ni mama kay Harris ay rinig na rinig sa buong gym.

The Possessed PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon